Why Pacman LOST to Marquez In Round 6

December 8, 2012. 4th (and final) bout.

Pababa na talaga ang career ni Pacman pagdating sa boxing. OK LANG naman yun dahil may napatunayan na naman siya. Hindi na niya kailangan pang manalo ng sunud-sunod dahil ang bawat laban niya ay may big purse na kaagad na kapalit.

Nagpalitan daw ng suntok. Na knock down na si Pacquiao sa early rounds pero nakabawi siya sa round 5. Hindi lang klaro kung paano siya natalo sa round 6. Pero isa lang ang alam ko, TULOG SIYA.

pacquiao marquez

Sabi na ng friend ko, sa kakapilit niyang mag-pastor instead na mag-focus sa boxing, napa-aga ang pagpunta niya sa heaven. Joke lang naman yun. Hindi pa siya deads, pero sure ako na malapit na, kung hindi pa, ma-deads ang boxing career niya.

Yan ang problema sa taong gustong maraming ginagawa. Gustong maging omnipotent at omnipresent. Diyos lang, kung totoo man na may Diyos, ang kayang gumawa nun. This just means na tao rin si Pacquiao.

Pero ano pa nga ba ang magagawa natin? Wala rin naman di ba? Para sa akin, People’s Champ pa rin si Pacquiao. Kahit natalo.

Mag-Twitter at Facebook na lang tayo!

Ito ang reasons na nakalap ko sa Social Media circles ko:

  • Jr Ferrer Pilapil Puyat ata si Manny. Na beklif sa ring..
  • Patrick Philip Riva yan ang napapala kng nde ka na seryoso sa ginagawa mo.puro biblia sa church kc ginagawa nya.yan tulo nasa heaven na sa sya
  • Ria Hazel Lumandog Gusto lang naman daw ibalik ni Pacquiao yung PLANKING — lol!
  • @ellenmgadarnaEven the best fall down sometimes….
  • @jascurtissmith RT @MartinBautista9: Bawi na lang sa Miss Universe =)” preach!
  • @rianndeleon Ano din ang kinalaman ng pro-RH bill sa pagka-knock out ni Pacquiao????????? P****** mga tao. Maisingit lang e

At syempre, ito ang pinaka-malupit na reaso na nakita ko:

Magkano kaya iuuwi ni Juan Manuel Marquez ngayon? Maiisipan rin kaya niya maging pulitiko o magpaka-pastor?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *