The ROADHOUSE Manila Bay First Anniversary Party

and everyone is imbitado!

Roadhouse Manila Bay. Yan ang tambayan namin kapag nasa Mall of Asia kami. Paborito namin yung Happy hour promo nila na beer mug. P110 pesos lang yun, buy 1 take one na. Ang katumbas nun ay tatlong Red Horse beer.

Meron din silang two litters na buy one take one. Minsan lang namin ino-order yun dahil masyadong malaki. Anim na Red Horse beer ang katumbas nun. Hindi ko alam ang presyo dahil lasing na ako kapag nagbabayad.

Roadhouse First Anniversary

This Saturday, isi-celebrate nila ang kanilang First Anniversary. Irish yung may-ari at marami raw Casino kung saan-saan. Pag pumunta ako sa Macau, hahanapin ko ang RoadHouse dun! Hindi ko pa siya nami-meet, pero parati namin ka-kwentuhan yung mga magagandang waitresses kaya alam ko.

Malapit lang siya sa Ferris Wheel na MOA Eye. Katabi lang ng Starbucks. Dun kami sa loob parati tumatambay, pero lumalabas kami pag kailangan namin mag-yosi.

may banda every night

may banda every night

Parating may tumutugtog dun, usually pagtapos ng Happy Hour. Hindi pa ubos yung iniinom namin nun kaya ok. Gustung-gusto ko talaga ang tunog ng harmonica lalo na pag malaki ang lungs nung musician.

Kaya kung gusto ninyo maki-vibe sa music, punta na kayo sa First Anniversary nila. Happy happy tayo dun!

The Roadhouse Manila Bay

The Roadhouse Manila Bay

Let’s listen to music and have a happy night!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *