Tip Lang: Baguhin Na Ninyo Ang Exchange Gift Na Yan!

dahil may bago nang style ngayon.

Tradition na ang pagbibigay ng regalo pag Pasko. Usually nga, nun may mga girlfriend pa ako, mas masaya ang mga kapatid/parents ko dahil may extra silang gift. Mas galante pa nga kadalasan.

Para medyo makatipid, nagiging activity na ang Exchange Gift. Mas ok naman yun dahil quality talaga ang mga regalo. Instead na bigyan mo ng regalo ang lahat ng ka-opisina mo, isang gift na lang ang bibilhin mo at sumali ka na lang sa Exchange Gift. Lusot ka na kapag ganun.

Nung nag X-mas party kami ng Travel Factor HQ, ginawa namin ang Exchange gift na may “steal clause”. Simple lang ang rules:

  • Pwede ka magnakaw ng gift ng isang tao.
  • Pag nanakawan ka na, hindi ka na pwedeng manakawan pa.
  • Hindi mo pwedeng nakawan ang nagnakaw sayo.

Commercial muna tayo ng isang picture bago ituloy ang kwento. Pampaganda lang ng araw:

Team TF Pole Dancer

Team TF Pole Dancer

Here are the steps, para may idea kayo.

  1. Padalhin ng gift worth a specific amount ang lahat ng attendees. Ilagay ang regalo sa isang lamesa.
  2. Determine amongst yourselves kung sino ang unang kukuha ng regalo. Pwedeng mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata. Pwede ring magbunutan na lang kayo para walang away.
  3. Kapag turn mo na kumuha ng regalo, pwede mong nakawan ng regalo ang mga hindi pa nananakawan.
  4. Pag nanakawan ka ng regalo, magnakaw ka rin. Ganun lang yun.
  5. Pag ayaw mo magnakaw, kuha ka na lang ng regalo mo sa lamesa.
  6. Since nanakawan ka na, pupunta ka na sa quarantine area.

Eto ang mga expert tips ko:

  • Mas ok pag huli kang kukuha ng gift. Kapag mababait kasi mga kasama mo, mananakaw mo yung regalo na gusto mo.
  • Pag una ka naman, piliin mo yung second option mo, wag yung first. Para pag nanakawan ka, dun mo kunin yung first option mo. Quarantine ka naman kagad after nun e.
  • Ibalot ng maayos ang regalo.

Option na ninyo kung on the spot e bubuksan ninyo yung regalo kaagad. Pag nakita kasi ng iba ang laman at trip nila yung gift, sure ako na parating nanakawin yun.

Eto pictures namin nun Travel Factor HQ Xmas party.

Takaw mo dude

Takaw mo dude

The girls of TeamTF

The girls of TeamTF

Competitive Tikoy

Competitive Tikoy

Gift Inventory

Gift Inventory

Everybody got their gifts

Everybody got their gifts

ADD ME ON FB FOR MORE PICTURES!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *