Daily Archives: 2012-12-22

Giant Lantern Festival 2012

I was lucky enough to be assigned as the coordinator for Travel Factor HQ’s FoodTrip Pampanga – Giant Lantern Festival. Para sa akin kasi, mas maganda ang pagbisita mo sa isang lugar kung kultura at pagkain ang ipupunta mo at hindi yung pictures lang. May makikita ka nga, magpapa-picture ka nga, wala ka namang kwento na maipapasalubong sa mga hindi nakasama.

Well, hindi ko na ikukwento masyado ang day trip namin. Basta umikot kami sa dalawang simbahan, kumain sa dalawang restoran, nag-mall sandali at tumambay na sa Robinsons Starmills parking lot para sa Giant Lantern Festival 2012.

Yung mga host, nagkakapampangan. Di ko man naintindihan, ramdam ko naman ang excitement nila. May sumayaw, kumanta, at nagpatumbling tumbling sa air para madagdagan ang excitement ng lahat.

Labing-isang Giant Lanterns mula sa 35 barangays ng San Fernando Pampanga ang sumali. Del Pilar daw ang nanalo. Sakto nga naman dahil maganda talaga ang pagkaka synchronize ng performance nila sa tugtog. Sila lang din ang nagpa-ilaw ng mga tala sa gilid ng parol, kakaiba kumpara sa karamihan na nagsisimula ang performance sa gitna.

Hanggang January 3, 2013 ang mga parol sa Robinson Starmills. Sa 20 meters na standard diameter, hinding hindi mo ito mami-miss out.

Eto na ang pictures, para hindi kayo mainip masyado:

Ang kabataan ng San Fernando Pampanga

Ang kabataan ng San Fernando Pampanga

Cheerleading, pampainit lang.

Cheerleading, pampainit lang.

 

The Giant Trophy ng CHAMPION sa Giant Lantern Festival

The Giant Trophy ng CHAMPION sa Giant Lantern Festival

the crowd favorite .. kung hindi ako nagkakamali, sila ang defending champs

the crowd favorite .. kung hindi ako nagkakamali, sila ang defending champs

 

Lanterns light up the night

Lanterns light up the night

Round 2: Group Stage

Round 2: Group Stage

 

Pagandahan ng ilaw

Pagandahan ng ilaw

Del Pilar. Nasa Youtube ang performance. Click on the image

Del Pilar. Nasa Youtube ang performance. Click on the image

Ang saya lang kahit inabot kami ng 11:30 pm bago nakabalik ng Manila. Isa talaga ito sa mga main attractions ng Paskong Pilipino.

Salamat ulit sa Travel Factor HQ (http://www.travelfactor.org).