Monthly Archives: January 2013

Memory Miyerkules: Matuto Kang Sumunod – COCC

COCC – Cadet Officers Candidate Course.

Hindi ko alam kung may ganitong programa pa rin sa High School. Malamang wala na, dahil wala na ring High School program ngayon. K-12 na ang format ng mga paaralan sa Pilipinas at hindi ko alam kung may High School pa.

Ang COCC ay ang programa para maging officer ka sa CAT. Military training ito ng mga high school students. Ang katumbas nito sa College ay ROTC.

Noong second year HS ako, nasa COCC program ako. Para sa final interview namin bago maging officers, kailangan namin harapin ang commandant at sumunod sa isang mabilis na drill bago ang one on one interview.

Hindi ako mabilis kabahan, at sa pagkakataong iyon, ganun pa rin ang disposition ko. Kaunti lang kasi kaming nasa programa at isa rin ako sa mga elite. Malaki ang kumpyansa kong makakuha ng magandang posisyon.

We are all aiming for the same spot; which is Corps Commander.

Nang ako na ang tinawag, humarap ako sa aming Commandant na nakataas ang ulo, chest out, stomach in, 45 degrees, in attention.

Kagaya ng dati, nakaupo ng diretso ang aming Commandant. Maitim ang kanyang skin na alam mong nabilad talaga sa araw sa dami ng kanyang trainings at rescue operations. Malaki ang butas ng ilong niya na alam mong kayang suminghot ng popcorn. Kahit na inaantok ang mga mata, sa isang bilang lang ay kaya niya itong imulat para ikaw ay masindak.

Kung makaharap ko siya sa giyera at tinitigan niya ako ng kanyang signature Tiger-look, hindi ko maipuputok ang rifle ko.

Binigyan niya ako ng instructions; tumalikod, liko sa kanan, kanan, tumalikod, kaliwa, kaliwa, hinto. Madali lang kung mabilis ang pickup mo.

At ginawa ko naman. Kung hindi mo naiintindihan ang programa, kung wala kang alam kung bakit mo ito ginagawa, kung hindi mo alam kung ano ang inyong ipinaglalaban, magmumukha kang katawa-tawa.

Pero dahil alam ko kung ano ang gusto ko, alam ko kung ano ang makukuha ko, alam ko kung bakit namin ito ginagawa, sinunod ko ang utos.

Tumalikod, NA!
Pasulong, KAD!
Kaliwang panig, NA!
Kaliwang panig, NA!
(so on and so forth)

Matapos ang mini-drill, hinanda ko ang stomach ko na walang panama sa laki ng tyan ng commandant. Tinitigan ko ang kanyang Tiger-look ng sarili kong version ng Eagle-eye. Itinaas ko ang noo na parang walang kinatatakutan. Inayos ko ang tindig na parang sasayaw.

Isang taon ko itong pinagsanayan. Kalahati ng buhay ko itong pinangarap. Handa na ako sa unang tanong!

Date Number 4: Nagsagutan Sa Makiling Botanic Gardens

January 4. Date Number 4. Sakto lang di ba?

Alin ba ang mauuna, ang hiking natin o maging tayo?

Yan naman ang sinasabi ko e, yan ang question ko sa kanya nung medyo nagkakamabutihan na kami noong date number 3 namin. Uulitin ko lang, boring yung date number 3 dahil isang bus ride lang yun na puro personals ang pinag-usapan namin kaya hindi na pwedeng ilabas sa blog na ito.

Pero sa date number 3 ko nalaman kung saan dapat bumaba na kanto pag sumakay ako ng Green Liner na bus mula Buendia papuntang Sta.Cruz.

Maaga pa lang, isang araw na naka leave ako sa opisina para tapatan ang restday ni @penTells, sumakay na ako ng Green Star  na bus. Wala pang isandaan ang pamasahe. Sulit na sulit na yun dahil sa kung ano man ang nangyari noong araw na yun.

Bumaba ako sa Andok’s, yan ang aking landmark. Isang kanto lang yun papunta sa sakayan papasok sa UPLB. Inantay ko si @penTells na siya namang dumating within 15 minutes of me waiting sa tapat ng kalsada. Medyo umaambon, buti na lang dala ko ang payong na binili pa ng nanay ko sa Kamay ni Hesus sa Quezon.

Pagdating niya, naki-CR kami sa kalapit na Jollibee bago lumipat ng restaurant at kumain ng famous siomai sa labas ng UPLB. Sikat daw yun dahil sa 17 pesos na kabusugan; presyong ISKOLAR NG BAYAN!

Menu sa Pader

Menu sa Pader

siu mai for breakfast

siu mai for breakfast

may galit na sophomore sa likod

may galit na sophomore sa likod

Matapos ang panandaliang almusal, nilakad na namin papuntang UPLB. Hindi kumpleto ang date namin pag hindi kami dumadaan sa mga lokal na simbahan.

Bilang pasasalamat sa biyaya ng pang-araw-araw at sa kabaitan Niyang pinagtagpo kami sa isa’t isa, lumuluhod ako sa isa sa mga church pews at kumukuha na rin ng litrato. Walang hanggang pasasalamat ang sinasambit ko dahil ang pag-ibig na akala ko na sa libro lang makikita ay pwede rin palang makamit sa totoong buhay.

church sa elbi

church sa elbi

st therese of child jesus

st therese of child jesus

Kaunting tambling lang, halos nalibot na rin namin ang spots sa UPLB na talaga namang dapat na ina-appreciate.

Kung natuloy lang siguro ako na mag-enrol sa campus na ito, naging iba siguro ang istorya ng buhay ko. Siguro, frat boy na ako ngayon at malayo ang mga ideals ko ngayon.

alamat ng makiling

alamat ng makiling

Minsan daw, nasa balakang ng statue yung banga. Minsan naman, nasa ulo. Nung bumisita kami, hawak niya yung banga sa kanang kamay niya.

belen sa uplb

belen sa uplb

 

UPLB Oblation

UPLB Oblation

pa-virgin pa raw

pa-virgin pa raw

At ang naging pakay namin talaga, ang hiking sa loob ng Makiling Botanic Gardens. Sa entrance fee na 20 pesos, kami lang halos ang guests sa loob.

UPLB forestry and natural resources

UPLB forestry and natural resources

makiling botanic garden

makiling botanic garden

 

kakaibang trip

kakaibang trip

Hindi na kami nagpasama sa tour guide dahil marunong naman kaming maglakad at umiwas sa mga mababangis na lamok at gagamba. Marunong din kami magbasa at kaya rin namin i-pronounce ang word na DIPTEROCARP.

harang sa daan

harang sa daan

dipterocarp

dipterocarp

Ang dipterocarp ay isang klase ng puno na walang ibang ginawa kundi magpatangkad. Ginagamit ang kahoy nito sa mga poste ng kuryente dahil bukod sa matibay ito, hindi pa ito basta-basta nababali/tumatagilid.

tambayan ng frat

tambayan ng frat

Trivia lang din para sa mga sumusubaybay ng story namin. Dito namin narinig ang mga salitang I LOVE YOU na sambitin ng isa’t isa. Kung tutuusin, ito na ang tamang araw ng monthsary / anniversary namin, pero dahil makulit kami, ang unang interaction namin sa isang hapagkainan ang kinikilala naming anniversary.

Mas importante kasi para sa amin ang mga kilos kesa sa mga salita.

At pasesnya na, nagtagal ng 72 hours bago pa kami nagpalit ng Facebook status dahil binigyan namin ang mga sarili namin ng panahon para magpalit ng isip. Awa ng Diyos, hindi kami papalit-palit ng pag-iisip.

At syempre, sa araw rin na ito una kong nakilala ang mga kaibigan ni @penTells na sina @imJAMpacked at @BadAssJowie.

kampeon at tres marias ng makiling

kampeon at tres marias ng makiling

Ayan, inabot na tuloy ng katapusan ng Enero bago ko ito ma-post. It’s worth the wait naman di ba?

Pag may tanong kayo sa akin, paki-submit na lang sa http://ask.fm/PepiDeLeon.

Bat hindi natin pagsabayin ang hiking natin at pagiging tayo?

* Pasensya na nga po pala sa magko-cover ng prenup namin ha. Medyo madulas at mahirap kumuha ng pictures sa Makiling Botanic Gardens. Don’t worry, papakainin naman namin kayo ng Siomai ng UPLB.

Pagmamahal Ng Paninigarilyo

Pagpasok ng 2013, unti-unti nang ipinatutupad ang Sin Tax Law. Ang mga bisyo na paninigarilyo at pagi-inom ay binigyan na ng karagdagang tax. Mas mahal na ng doble ang isang kaha ng Marlboro at may kaukulang tax naman para sa mga beer, gin, wine, vodka, at iba pa.

Although nagbebenta pa rin ang Ministop at 7-11 ng yosi sa dating presyo nito, 2 packs per person na lang ang nire-release nila. Eventually, magiging kapareho na rin ang presyo nito kumapara kay ate kendi at kuya takatak.

Apat na piso isang stick, 70-80 pesos isang kaha; ganyan ang presyo ng yosi sa mga kalsada ng Makati. Kaya naman marami akong nakikita na nag switch na ng brand mula sa sikat na Marlboro papunta sa Mighty at Lucky Strike. Mas mura daw ng di hamak ang mga hindi popular na brands.

Pero iba ang lasa.

Yan ang mga iniisip ng karamihan sa mga naninigarilyo ngayon; pero ako, iba ang iniisip ko; walang iba kundi IKAW.

**********

Marami na rin akong naging yosi buddy. Sila ang parati kong niyayaya kapag gusto kong bumuga ng usok. Hindi talaga kasi ako naninigarilyo mag-isa.

Pero nung nasa Nagsasa, Zambales ako, kada hitit ko ng yosi, kahit may kakwentuhan pa ako, naiisip kita.

Isang linggo rin akong hindi nakapagyosi na kasama ka. Bawal kasi ako manigarilyo sabi ng dentista ko. Habang bukas pa ang sugat sa extracted wisdom tooth ko, iwasan ko raw. Para iwas impeksyon. Buti na lang nung nagpatingin ako nung Friday e maganda raw ang healing.

Kaso, wala namang pagkakataon na makapanigarilyo muli kasama mo.

Ang unang yosi ko ang pinaka-masaklap. Biruin mo, isang linggo kong tiniis ang hindi paghitit ng yosi kasama ka. Isang linggo kong namiss ang kwentuhan natin ng mga walang kwentang bagay. Oo nga at nakapaglaro tayo ng #bilangan last time pero ikaw lang ang may hawak na sigarilyo noon.

Siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit natalo mo ako.

Sa pagbalik ko bukas sa opisina, yayayain kaagad kita sumindi. Kahit isa lang. Pagsaluhan natin ang walong minuto na tayo lang. Sabihin na nating kasalanan, pero wala akong gustong makasama kundi ikaw. #AlamMoYan.

At sa bawat sigarilyo na sisindihan ko, sigurado ako na hindi lang presyo ng yosi ang maiisip ko kagaya ng marami. Maiisip kita, maaalala ko ang mga knock knock jokes at mga punch lines na pwede kong sabihin sayo. Matatanong kita kung ano ang nilalagay sa tenga para maging cute. Mabibigyan kita ng isang #Boom. Kagaya nung huling #Boom na binigay mo sa akin.

Masakit na para sa akin ang sumindi ng sigarilyo na hindi ka kasama. 

Memory Miyerkules: Lost and Found

Uso ba sa  school ninyo ang lost and found?

Noong nag-aaral pa ako sa DLSU, mayroong planner sa bawat school year. Libre yun pag frosh ka, kailangan mo naman yun bilhin pag hindi na.

First year ako noon. Bilang regalo sa pag-graduate ko noong high school, binigyan ako ng ninang ko ng 500 GC para sa SM. Wala pang sodexho GC nun. Ang ginawa ko, inipit ko sa planner ko ang GC dahil wala naman akong balak gamitin pa yun. Pang-emergency na rin siguro.

Ang problema, naiwan ko ang planner sa Sports Complex isang PE day namin. Binalikan ko siya nung napansin kong wala sa bag ko ang planner pero hindi ko na nakita. Sayang yung planner na yun. Nakasulat doon mga assignments at deadline ng projects ko. Badtrip talaga.

Buti na lang may mga kaklase akong pwedeng mapagtanungan dahil block section pa rin naman kami noon Frosh years.

After about a few weeks, naisipan kong puntahan ang Lost and Found desk ng school namin. Nasa Discipline Office yun. Tutal may pangalan naman ang planner ko. Nagbakasakali na rin ako na naka-ipit pa rin doon ang 500 GC ng SM.

Swerte na lang din na nung nag-inquire nga ako, nakasulat nga sa logbook nila na may naibalik na planner doon na nakita sa Sports Complex. Matapos kong i-present ang ID ko, binigay sa akin ng Paragon (tawag sa student volunteer ng Discipline Office) ang planner ko. Tuwang tuwa ako!

Masaya! Peksman! No joke!

Nang binuksan ko ang mga pahina ng planner, nalungkot ako.

Malungkot! Peksman! No Joke!

Wala sa planner ko ang inaasahan ko na 500 GC ng SM. Wala siya sa insert nung front flap at wala rin sa likod. Wala talaga. Naiwan na lang yung mga naka-ipit na love letters at mga resibo ng kung anu-ano.

Pero walang GC.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking