Daily Archives: 2013-01-01

Goodbye 2012. Hello 2013. – A Yearend Report.

Well, nakiki-uso lang naman ako. Hindi dapat ako magsusulat ng ganitong cliche na blogpost, pero dahil siguro may nagbabasa ng sinusulat ko, mabuti na rin na malaman niya kung ano ang plano ko this year.

Lahat kasi nagsusulat ng ganito.

Simulan natin sa kung ano ba ang nangyari sa akin nun 2012.

January

  • Nagsimula akong tumatakbo at nagsusulat. Tinanggal ko ang Memory Miyerkules dahil nauubusan na ako ng mga alaala na pwede i-share.

February

  • Nagti-training pa rin ako sa pagtakbo habang nakikihalubilo sa iba’t ibang tao sa isang Speed Dating event nun valentines. Pangalawang sunod na valentines ko na ata ito na walang solid na date.
  • Na-draft nga pala ako ng Chilpancingo de los Bravos Travel Factor HQ as one of their Travel Coordinators. Napaka-swerte ko talaga!

March

  • Isang taon na rin kaming magkakilala ng Diwata.
  • Puro commercial na ang blogpost ko ng mga panahon na ito. Kahit ako, medyo naiinis. May mga kwento kasi na ayaw ko ilabas sa blog kaya puro commercial na lang. Nabawasan ata ako ng readers nung mga panahon na ito.

April

  • Summer noon pero hindi ako masyadong nakapagbeach.
  • Puro events din ang sinusulat ko dahil ayoko i-kwento ang personal life ko. Pero ramdam mo sa mga blogposts ko kung ano ang pinagdadaanan ko. Grabe talaga.

May

  • http://ramblingfisherman.com/2012/04/fly-fishing-the-cowichan-river/ I WAS BROKE. Oo, wala akong pera ng birthmonth ko. Dahil iyon sa mga causes na sinusuportahan ko kahit na wala namang balik sa akin. Nag-iinvest ako noon sa mga bagay na pilit lang. Basta, hindi ako nakapag-birthday ng maayos. Ito ang unang beses na hindi ako nakapaghanda nung birthday ko na nagtatrabaho na ako.
  • Buti na lang at may mga gigs ako as a Travel Coordinator at as a blogger kaya nakakapaglibang ako kahit wala akong funds.

June

  • Binalik ko ang Memory Miyerkules at dinebunk ang supposedly kapalit nito. Hindi kasi mabenta yung Friday series na yun. Sinimulang ko ang Memory Miyerkules season 2. Kailangan kasi maibalik ang sigla ng blog ko.

July

  • Sa buwan ko na ito naisulat ang pinaka-trending kong blogpost tungkol sa laban nila Loonie / Abra kina Shehyee / Smugglaz sa FlipTop Dos por Dos. Humatak ito ng 8k views in one day at hanggang ngayon e nagbibitbit sa blog ko single handedly. Ang sarap sa pakiramdam.

August

  • Nag-break kami ng Diwata. Ayoko i-kwento. Abangan niyo na lang sa ilalabas kong libro, kaso volume 5 pa yun.

September

  • Malamig na naman ang Ber Months ko, pero isa lang ang nasa isip ko: ang habulin ng maayos ang aking TO DO LIST 2012. Grabe, max out ako sa 70k at apat na buwan na lang ang natitira. Matapos ang mga urgent utang, dun lang ako makakapagsimulang mag zero out ng credit card. Buti na lang natapos na ang UNREASONABLE CAUSE na sinasabi ko nun April – May.
  • Para matulungan ang sarili ko, binuksan ko ang Financial Freedom Friday na nagtagal ng hanggang anim na blogpost ata. OK na yun!

October

  • Focus sa trabaho, Focus sa pera, Focus sa mga bagay na importante. Buti na lang at may FFF at MMs2 to keep me sane.
  • At marami akong nasulat na blogposts.

November

  • Nagpaka-rockstar ako sa blogging community habang tumatabo ng kayamanan. Grabe, ganito pala ang kaya kong gawin kapag marami akong oras.
  • Nakilala ko ang Gracenote.

December

  • Eto, hakot lang ng hakot. Nakalahati ko ang kailangan kong gawin sa aking TO DO LIST 2012. Although masaya, hindi pa rin ako kuntento.
  • Nakilala ko SIYA. Nagkakilanlan kami. Siya sisihin ninyo kung bakit masaya ang mood ng mga blogpost ko na kasunod.

Oo nga pala, nakakuha na rin ako ng Blackberry dahil nawala ang celphone ko. Na-draft din ako ng TheRoadTrippers.com. May mga nangyari pa na medyo minor kaya wala na sa annual report na ito.

******

O ayan, kumpleto na. Basta ang gagawin ko this 2013, tatapusin ko ang hindi ko natapos noong 2012. Pu-protektahan ko ang kung ano man ang nasimulan ko na. Walang makakapigil sa akin.

At pag natapos ko ng maaga, humanda na kayo. Mas magiging masaya ang blog na ito.

At may ipapakilala rin ako sa inyo. Promise, matutuwa kayo sa kwento.