Mapupunta ako sa impiyerno nito.
Matatagpuan ang Kamay ni Hesus Church sa Lucban-Tayabas road sa may Quezon. After ninyo umakyat dito, pwede kayo kumain sa Palaisdaan na kalapit lang ng lugar. Same road papuntang Tayabas. You wont miss it.
Well, sacred ground ito para sa karamihan. Lugar kung saan ikaw ay dapat magnilay-nilay at magsisi sa iyong mga kasalanan. Dinarayo ito ng mga tao lalo na kapag panahon ng Semana Santa. Yung paakyat kasi sa Kamay ni Hesus, may mga stations of the Cross. Nakakatuwa na habang pinahihirapan mo ang sarili mo sa pag-akyat e kailangan mo pang parusahan ang utak mo sa pagdarasal.
Ako, ie-enjoy ko ang experience. Para sa akin, dapat i-enjoy mo ang hirap. Minsan ka lang mahirapan, lubusin mo na.
At pag natapos mo, pwede kang mag-celebrate. Inakyat mo ang 1/10th ng inakyat ni Hesus bitbit ang kanyang krus sa Calvary. Achievement yun!
So ito ang mga naging posing ko:
Pose number 1: The Eyebrow Raise
Pose Number 2: Jumajackson
Pose Number 3: The Gay pose
Pose Number 4: Finally The Rock has come BACK…
Ayan naman ang mga suggestions ko lang. Syempre pwede mo gawin yung mga the usual na nagdarasal, nakaluhod, nakayuko, nakapikit, at umiiyak. Pero sa dami ng mga tao na gumagawa nun, tingin mo ba makikita ka ng Diyos differently?
Baka kailangan mo magsimba kagaya ng ginagawa ng nakararami. Eto mass schedules:
Pahabol na picture: