Hindi ba ninyo yun tinatanong?
May Rizal Day at Bonifacio Day pero walang Aguinaldo Day. Ibig sabihin ba non, hindi kapantay ng ating unang Presidente pagdating sa kabayanihan sina Gat Andres at Doc Jose?
Ako, hindi ko rin yun naisip. Para sa akin kasi, yung June 12 – Araw ng Kalayaan e parating si Emilio Aguinaldo ang nasa litrato. Nasa likod pa nga siya ng limang pisong papel dati.
Nakakalungkot lang isipin na libre na nga ang tumambay sa Aguinaldo Shrine, wala na ngang bayad ang pagpasok sa bahay ni Emilio, araw-araw rin namang bukas ang lugar, madalang pa rin tayong pumunta sa Kawit, Cavite.
Hindi ko na nga naaalala kung nakapunta na ako dun sa Aguinaldo Shrine o hindi pa. Malamang hindi pa.
Mga dude, 10 minutes away from Mall of Asia na lang ang Aguinaldo Shrine dahil sa Cavitex.
Buti na lang at naimbitahan ako sa isang blogger event para makasama ang isa sa mga apo sa tuhod ni Gen. Emilio Aguinaldo. Nalaman ko kung gaano ka-patriotic si General. Natutunan ko ang ibang mga kwento tungkol sa kanyang bahay. Nalaman ko na lousy ang editing ng movie na El Presidente at hindi rin magaling umarte si Gov Ejercito bilang si Gen. Emilio.
Nakapanood pa ako ng Christmas Lights Show sa bahay ng dating presidente.
By the way, inihahanda na nila ang 50 years ng pagkamatay ni Aguinaldo at 150th birthday niya. Abangan natin ang mga event na to.
Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, para sa akin, mahalagang icon ng ating kalayaan si Emilio Aguinaldo. Sa kanya nanggaling ang watawat at pambansang awit. Naging kontrobersyal lang yung paraan niya para i-unite ang Pilipinas.
Heneral Emilio, isa kang Kapwa Kampeon.