I Need Space

Hindi ko to status ha. Gusto ko lang isulat to dahil nagpalit ng status si KnP#2 from In A Relationship to Single.

Ramdam ko kasi yun dahil papalit-palit sila ng gf niya ng status. Hindi na ata sila magkaintindihan sa kung ano ang gusto nila sa buhay. Ayoko na sisihin kung sino ang sino, basta malabo.

Yang “I need SPACE” na yan, hindi lang astronaut ang nagsasabi niyan. Sinasabi yan ng mga tao na nasisikipan sa ginagalawan nila. Gusto nilang mag-stretch. Gusto nilang iunat ang kanilang mga limbs. Kadalasan ginagawa ang stretching bago mag workout.

Para sa isang runner na kagaya ko, importante ang stretching bago tumakbo. Iwas injury yun.

I need SPACE. Tatakbo kasi ako. Lalayo ako dito.

Ang tanong, magkasama pa rin ba kayo kung saan kayo pupunta?

Sabihin na natin na sakim ang mga taong nagsasabi na kailangan nila ng space. Ayaw nila mamigay ng importanteng space na ito. Feeling nila kasi, yung lugar na kukunin nila ay nararapat sa kanila. Feeling nila, kahit na gaano sila kaliit, dapat nilang sakupin ang lugar na hindi naman nakalaan sa kanila. Ang reasoning, nagbayad ako para dito. Akin ito.

Selfish di ba?

Kagaya na lang ng mga motor na ito:

Motor Bike sa parking lot

Motor Bike sa parking lot

They need SPACE daw. Hindi na nila naisip na hindi dapat ganyan ang pagparada nila diyan. Asan na ang motorist etiquette ng mga to?

Kay KnP#2, pasensya na hindi ako available last time. May trabaho kasi ako kinabukasan. Babawi ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *