Daily Archives: 2013-01-10

Date Number 2: Cubao – Marikina – Rizal Park – Malate

Yung date number 1, The Hobbit movie yun. Click here for the review.

Marami kasi ang nagtatanong kung ano ang story namin. Worth it naman siya i-kwento dahil willing naman si Pen na magrelease ng mga kwento. Ang kaso lang, pag siya ang nag-kwento, may tendency na mag over-sharing. At least kapag ako, medyo controlled.

Eto muna ang first 2 pictures:

Merry Christmas from the Kampeon

Merry Christmas from the Kampeon

Jhey with the Christmas Tree of Bears

Jhey with the Christmas Tree of Bears

Nakakapagod din yung trip namin e. Paglabas ko sa trabaho ng 4pm, diretso na kami sa Marikina Riverside. Kinailangan namin mag-MRT.

Dahil first time ng probinsyana sumakay sa tren, in-enjoy namin ang view.

 

MRT sa dapithapon

MRT sa dapithapon

Pagdating sa Marikina, libot muna kami ng kaunti. Nagtingin-tingin sa mga tinitinda doon. Nagplano ng pasalubong pero wala namang nabili.

Kaya sumakay na lang kami ng Ferris Wheel, safe naman yung ride kahit mukhang hindi. Ahaha.

Tsubibo sa Riverbanks

Tsubibo sa Riverbanks

Afterwhich, dinner na. May paluto pala dun sa Riverside. Syempre, seafood ang kinain namin. Buti na lang may malapit na Watson’s para bumili muna ng Celestamine. Medyo allergic kasi si Jhey sa seafood.

Ang naging entree namin ay ito:

  •  Grilled Squid with Cheese Toppings
  • Baked Talaba with Cheese Toppings
  • Sinigang na Hipen WITHOUT Cheese Toppings
  • Mainit na kanin.
  • SARAP!
Dinner namin sa Dampa. TSALAP

Dinner namin sa Dampa. TSALAP

Grilled Squid with cheese toppings

Grilled Squid with cheese toppings

Baked Talaba with cheese toppings

Baked Talaba with cheese toppings

Sinigang na Hipon

Sinigang na Hipon

Salamat sa depressingly Simply Lang.
Cel No. 09391459037
Tel No. 2279345
free advertisment ng Simply Lang sa blog

free advertisment ng Simply Lang sa blog

At dahil may energy pa kami, sakay naman kami ng Purple Line – LRT papunta sa Recto at sumakay ng Jeep papunta sa Rizal Park.

First time ulit ng probinsyana na makasakay sa Purple Line.

Purple Kampeon sa Purple Line-LRT

Purple Kampeon sa Purple Line-LRT

At gusto rin niya makita si Jose Rizal. Hindi ko alam kung bakit.

Si Jose Rizal at si Jhey

Si Jose Rizal at si Jhey

Tsubibo sa Rizal Park

Tsubibo sa Rizal Park

Ako, gusto ko makita ang mga Tsubibo at mga peryahan sa Grandstand. Kahit umuulan, go pa rin kami.

Tinapos namin ang date sa pag-inom ng masarap na http://embeecavaliers.com/page/40 San Mig Light at San Mig Flavored Beer sa Malate. Malamig yung mga alak at magaling yung bandang tumutugtog sa events place, dahilan kung bakit wala akong boses nun Christmas Break.

pen and pepi

pen and pepi

Ayan ang kwento, next blogpost na lang yung mga susunod na date ha. UP Los Baños naman ang destination namin nun.

CATEGORY: Girlfriend Chronicles.