Daily Archives: 2013-01-11

Nagbibilangan Na Ba Kayo Ng Jowa Mo? (plus date #3)

Mas tama ba na gamitin ko ang salitang Jowa kesa sa BF/GF? 

Mahilig ako sa Math. Kahit ang larong sungka, ginagamitan ko ng Math para hindi ako matalo. Bilang ko na sa unang tingin pa lang kung saan malalaglag ang sigay para makain ang bahay ng kalaban.

Isa sa mga pastime namin ni Jhey ang pagbibilang. Dalawang beses pa lang naman namin nagagawa, at so far, ang score namin ay 1-1. Pareho kasi kaming maiksi ang attention span lalo na pagkatapos namin kumain ng pananghalian.

ang cute pala natin together. nakakainggit ang mga taong nakakakita sa atin.

ang cute pala natin together. nakakainggit ang mga taong nakakakita sa atin.

Well, mas mahaba ang attention niya dahil madali lang para sa kanya makatapos ng isang libro. Mas malupit naman ang aking attention to detail dahil ewan ko, gusto ko lang sabihin kahit hindi ko pa napapatunayan.

Anyway.

Ayun na nga. May isang pagkakataon matapos namin kumain ng pananghalian na sinigang na baboy at piniritong tilapia, naisipan namin mag-yosi para bumaba ang aming kinain. Limang minuto lang sa kanya ang isang stick habang sa akin ay walo.

Kita mo, bilang ko ang oras.

Meron kaming 5-8 minutes na walang pag-uusapan at magpo-pokus sa pagpapababa ng kinain. Ano ang gagawin namin.

Aurogra order BILANGAN NUMBER 1:

  • Pipili ng kulay ang bawat kalahok. Kadalasan, paboritong kulay ang pipiliin. Dahil pareho kaming green, nag-give way na ako at blue ang pinili ko.
  • Mag-aabang sa kalsada ng mga taong dadaan sa harapan namin. Dapat dumaan sa harapan. Bawal tumalikod.
  • Bibilangin ang bawat tao na nakasuot ng kulay na napili. Bawat tao ay isa ang bilang.
  • Kailangan LOUD colors ang suot. Hindi pwedeng green-yellow o blue-green. Hindi rin pwedeng stripes lang. Dapat solid colors.
  • Pag natapos na ang alotted time, ang may pinakamaraming nabilang ang panalo.

Ang ending na number ay 13-12 in favor of Kampeon. Ahahaha.

Isa pang pagkakataon, matapos naman kaming mag-lunch sa JollyJeep, naipit kami sa island ng Ayala Avenue. Nag-green kaagad ang traffic light.

At dahil ayaw namin na naghihintay, nagsimula na naman kaming magbilangan. Mas magulo ito at kailangan honest kayo sa isa’t isa.

Fécamp BILANGAN NUMBER 2:

  • Sa gitna ng isang prominenteng kalsada sa siyudad, kailangang tumayo ang dalawang manlalaro. Dapat magkatalikod sila. Ang isa ay nakaharap sa southbound at ang isa naman ay nakaharap sa northbound.
  • TAXI ang bibilangin natin. Bawat Taxi na daraan sa harapan ng bawat manlalaro ay may isang bilang.
  • Paramihan ng bilang. Pag nag-stop na ang traffic light, stop na ang bilangan. Ang may pinakamaraming nabilang ang panalo.

Ang ending number 10-11 in favor of Jhey. Nakakainis.

Ayun na, wala masyadong pictures to dahil hindi kami nagdadala ng camera pag kumakain. Hindi kami mahilig mag-post ng #instafood sa #instagram.

At oo nga pala, bago ko makalimutan. Yung story ng Date 3 ay boring kaya hindi ko na ilalahad. Basta sumakay kami ng bus papuntang ELBI, tumambay sa bahay ng friend/dating kaopisina ni Jhey, at kumain ng dinner doon, at umuwi din pagkatapos.

Masaya naman yun, at least alam ko na kung paano pumunta sa lugar nila. Importante yung information na yun para sa Date 4.

Abangan!