Daily Archives: 2013-01-16

Dating Waiter ng Max's Fried Chicken sa Fairview ENDORSER Na!

Si http://mshanhun.com/2012/11/ Coco Martin yun, alias Juan De La Cruz.

Sa dami ba namang TV at print ads, hindi na maipagkakaila na ang morenong idol na si Cocobels (yan ang tawag ni PenTells kay Coco Martin) ay isa nang endorser ng Max’s.

Sana lang, nung presscon, pinagsuot nila si Coco Martin ng uniform ng isang waiter para may dating.

Almost seventy years (68 to be exact) na sa business ang uniquely cooked Fried Chicken ng Max’s. Marami rin silang struggles. Kakaiba sila magbukas ng mga restaurant dahil mas gusto nila na isang bahay talaga ang iko-convert nila. Yung ambiance nila, hindi nag-iiba. Stood the test of time talaga.

At marami silang naging pakulo last year. Nandyan yung ninong ko si Max at yung 4Sharing meals.

Sana nung bininyagan ako, naging ninong ko rin si Mang Max.

Coco Martin, bagong endorser ng Max's Chicken

Coco Martin, bagong endorser ng Max’s Chicken

Si Cocobels, ganun din. Andami niyang ginawang mga raket bago siya na-discover ng isang talent scout na kumain sa Max’s Fairview noong 2001. Matapos niyang magpakita sa talent scout, hindi na siya nakapagpaalam sa pinagtatrabahuhan na restaurant. AWOL siya.

Hindi ko nga alam kung nakuha na niya ang backpay niya e. Usually kasi pag AWOL, walang backpay.

Coco Martin, Max's endorser for its 70th anniversary

Coco Martin, Max’s endorser for its 70th anniversary

Kung bibigyan daw ng chance, at magandang deal, gugustuhin din naman ni Cocobels na makapagbukas ng sarili niyang franchise; actually, kahit na anong food business/restaurant. Kahit daw simpleng mamihan o gotohan, ok na sa kanya. Ang importante, may mga kumakain.

Walang kwenta kasi ang ganda ng restaurant mo kung walang kumakain.

Cocobels at ang Maxs Chicken

Cocobels at ang Maxs Chicken

Isa pang sinabi ni Cocobels, practical din siyang tao. Basta may magandang kapalit ang kanyang oras at pera, gagawin niya. Pareho pala kami ni Coco Martin.

Parang gusto ko na rin tuloy maging waiter sa Max’s Restaurant. Baka maging kasing-kisig din ako ni Coco Martin.

*Salamat kay PenTells para sa pag-cover ng event. I love you. Pagaling ka kagad!