CHAT TIME : "Mas Masakit" at "Balat ng Saging"

#
Pen Seguerra:

Good morning!

#
Pepi De Leon

good morning

baby. yung event pala kagabi sa Clover Resto Bar sa Panay Ave.
may ledge dancers
tsaka nag lap dance din sila dun sa isang guest.

#
Pen Seguerra
Ahh. Ok. Nag-enjoy ka ba?

#
Pepi De Leon
oo.
babae yung mga ledge dancers e. kaya nag enjoy ako.
kung lalaki yun, hindi ako mage-enjoy
gusto mo makita pictures?

#
Pen Seguerra
Haha. Ok.

#
Pepi De Leon
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.10151416880900871.545268.710280870&type=3
pag nagkaron ng ladies night out. mga lalaki naman ang ledge dancers, ikaw papupuntahin ko.

mage-enjoy ka ba sa ganun?

#
Pen Seguerra
Hindi ko mabuksan yung link. Mamaya ko na lang titignan.
Kwento mo nalang saken mamaya. Mas masarap makinig sa kwento mo pag personal.

#
Pepi De Leon
oo nga.. iku-kwento ko rin sayo kung pano ko nakuha yung sugat ko sa tuhod.

#
Pen Seguerra
Ha? May sugat ka?

#
Pepi De Leon
oo meron.
masakit pa tuhod ko sa pagkakabagsak.

#
Pen Seguerra
Anung pinaggaga-gawa mo kagabi?

#
Pepi De Leon
kwento ko sayo mamaya. punta ka na dito bilis!

#
Pen Seguerra
Lasing ka kagabi?

#
Pepi De Leon
nakuha ko yung sugat bago pa ko makarating sa venue.
matatawa ka talaga.
may kinalaman ang sugat ko sa BALAT NG SAGING.

di ako nalasing. isang shot lang ng Jack Daniels ininom ko.

#
Pen Seguerra
Tss. Ano kayang pinairal mo???

#
Pepi De Leon
basta mamaya

#
Pen Seguerra
Sige. Mag-a-upload na ko ng mga picture namen kagabi. May iku-kwento din ako sayong nakakatawa.

Parang may hang-over ako. 🙁

#
Pepi De Leon
SAGING ang gamot ko sa hangover.

since di ka kumakain nun, pwede na sayo ang patatas.

#
Pen Seguerra
Ang alam ko maraming tubig. Nag-iimbento ka ba? Hindi mo ko mapapakain nun. Kahit anong gawin mo.

#
Pepi De Leon
basahin mo na lang yung latest memory miyerkules ko.

#
Pen Seguerra
Erkey.

Sobrang sakit ng tyan ko. 🙁

#
Pepi De Leon
mas masakit pa rin yung pinakilala ka ng jowa mo sa parents niya as a friend.
kaya mo yan. iutot mo lang.

#
Pen Seguerra
Mas masakit pa rin yung may almuranas sa pwet.

#
Pepi De Leon
mas masakit yung hindi ka binayaran ng umutang sayo

#
Pen Seguerra
Mas masakit pag tinusok ka ng classmate mo ng ballpen sa mata.

#
Pepi De Leon
mas masakit yung sasabihan ka ng nililigawan mo na may mahal na siya at hindi ikaw yun.

#
Pen Seguerra
Mas masakit pa din yung sinagot ka lang nya para maka-move sya. Panakip-butas.

#
Pepi De Leon
mas masakit na malaman mong may anak pala sa labas yung mapapangasawa mo, the night before your wedding.

#
Pen Seguerra
Mas masakit pag nalaman mong bading/tomboy pala yung mapapangasawa mo at in love sya sa best man/maid of honor nya the day of your wedding.

#
Pepi De Leon
mas masakit yung pagbaba mo sa jeep, NAKATAPAK KA NG BALAT NG SAGING tapos napaluhod ka at nagkasugat sa tuhod. pinagtatawanan ka pa ng mga tricycle driver na nakaparada.

#
Pen Seguerra
Ay. Masakit nga yun! Hahah

May nabibiktima pa rin pala ang balat ng saging.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *