Ang gulo siguro nun noh?
Ako, wala pa akong na-encounter na halimaw. Sa totoo lang, choosy ako pagdating sa itsura. Pero mas hindi ko matatanggap ang relasyon na nagsimula sa kasinungalingan.
Kung nagbalatkayo ka lang, nagpanggap na maganda, o kaya naman e retokada pero ang press release mo e natural ang yong ganda, hindi kita matatanggap.
Mas gugustuhin ko pa ang panget na nagpapakatotoo kesa sa magandang mapagbalatkayo.
O baka naman mag-gamitan lang kami. Hindi ko rin alam. Anlabo di ba?
So, paano kaya umikot ang story ng Ibalong? Dapat siguro basahin ko muna ang buong epiko bago ako manood sa Gala Night in 3 weeks time.
Simula February 8. 2013 hanggang March 3, 2013, itatanghal sa CCP ang musical na hango sa isang epiko sa Legazpi, Albay; ang Ibalong.
Ibalong (malumay, ibâlong). Week-long celebration din ito ng bayang ng Legazpi tuwing August. Try ko to bisitahin within this year, pero for now, manonood muna ako ng musical.
Tungkol ang story kay Handyong (played by Myke Salomom) isang tao na nagpunta sa Bicol para sakupin ang lugar at kalabanin ang mga halimaw.
Ang isa sa mga halimaw na si Oryol (played by Jenine Desiderio) ay nagkatawang tao para akitin ang ating bida, pero sa bandang huli, nagkamabutihan sila.
Sabi ni Tata Nanding Josef, paraan daw ito para para ma-protektahan ang natural resources at cultural heritage hindi lang ng Legazpi at Bicol kundi ng buong Pilipinas na rin.
Sabi naman ng Direktor na si Tuxqs Retuquio, gusto raw niya ipakita na ang mga story tungkol sa mga halimaw at mga epikong paglalaban ay hindi lang makikita sa Twilight at Lord of the Rings. May mga ganitong kwento rin tayo sa Pilipinas at isa na rito ang Ibalong.
Ang Ibalong The Musical ay sinulat ni Rody Vera.
http://acorncentre.co.uk/events/medium-night/ Ticket Prizes Regular – P800 Students – P400 Senior Citizens – P640 buy cenforce 200 online www.tanghalangpilipino.org.ph TicketWorld 891-9999 CCP Box Office 832-3704