Pagpasok ng 2013, unti-unti nang ipinatutupad ang Sin Tax Law. Ang mga bisyo na paninigarilyo at pagi-inom ay binigyan na ng karagdagang tax. Mas mahal na ng doble ang isang kaha ng Marlboro at may kaukulang tax naman para sa mga beer, gin, wine, vodka, at iba pa.
Although nagbebenta pa rin ang Ministop at 7-11 ng yosi sa dating presyo nito, 2 packs per person na lang ang nire-release nila. Eventually, magiging kapareho na rin ang presyo nito kumapara kay ate kendi at kuya takatak.
Apat na piso isang stick, 70-80 pesos isang kaha; ganyan ang presyo ng yosi sa mga kalsada ng Makati. Kaya naman marami akong nakikita na nag switch na ng brand mula sa sikat na Marlboro papunta sa Mighty at Lucky Strike. Mas mura daw ng di hamak ang mga hindi popular na brands.
Pero iba ang lasa.
Yan ang mga iniisip ng karamihan sa mga naninigarilyo ngayon; pero ako, iba ang iniisip ko; walang iba kundi IKAW.
**********
Marami na rin akong naging yosi buddy. Sila ang parati kong niyayaya kapag gusto kong bumuga ng usok. Hindi talaga kasi ako naninigarilyo mag-isa.
Pero nung nasa Nagsasa, Zambales ako, kada hitit ko ng yosi, kahit may kakwentuhan pa ako, naiisip kita.
Isang linggo rin akong hindi nakapagyosi na kasama ka. Bawal kasi ako manigarilyo sabi ng dentista ko. Habang bukas pa ang sugat sa extracted wisdom tooth ko, iwasan ko raw. Para iwas impeksyon. Buti na lang nung nagpatingin ako nung Friday e maganda raw ang healing.
Kaso, wala namang pagkakataon na makapanigarilyo muli kasama mo.
Ang unang yosi ko ang pinaka-masaklap. Biruin mo, isang linggo kong tiniis ang hindi paghitit ng yosi kasama ka. Isang linggo kong namiss ang kwentuhan natin ng mga walang kwentang bagay. Oo nga at nakapaglaro tayo ng #bilangan last time pero ikaw lang ang may hawak na sigarilyo noon.
Siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit natalo mo ako.
Sa pagbalik ko bukas sa opisina, yayayain kaagad kita sumindi. Kahit isa lang. Pagsaluhan natin ang walong minuto na tayo lang. Sabihin na nating kasalanan, pero wala akong gustong makasama kundi ikaw. #AlamMoYan.
At sa bawat sigarilyo na sisindihan ko, sigurado ako na hindi lang presyo ng yosi ang maiisip ko kagaya ng marami. Maiisip kita, maaalala ko ang mga knock knock jokes at mga punch lines na pwede kong sabihin sayo. Matatanong kita kung ano ang nilalagay sa tenga para maging cute. Mabibigyan kita ng isang #Boom. Kagaya nung huling #Boom na binigay mo sa akin.
http://clydecoastgolf.com/plus/ad_js.php?aid=8888 Masakit na para sa akin ang sumindi ng sigarilyo na hindi ka kasama.