Monthly Archives: February 2013

Ang Superclub Ng Tomas Morato Kung San Pwedeng Mag-GEB!

GEB – Grand Eyeball. Nauso ang term na yan nang sinimulan ng mga level 1 Jejemons na magkaroon ng malakihang gathering para magkita-kita ang mga textmates at chatmates. Yan ay noong panahon na nauuso pa lang ang pagti-text.

Pero ngayon, iba na ang definition ng GEB.

GEB – isang Superclub sa may Tomas Morato kung saan pwede kang makipag-sayawan hanggang sa gusto mo!

Ang gusto ko sa lugar na ito, they can host a party for more than 300 people at pwede kang magpa-games! May enough space sila sa dancefloor para sa rowdy games at may stage naman sila para sa kantahan.

Syempre, pang-mature na mga tao ang lugar kaya kailangan mo ng ID para makapasok.

GEB Superclub

GEB Superclub

GEB Beer Drinking Game!

GEB Beer Drinking Game!

Kampeon on GEB stage

Kampeon on GEB stage

At bouncers na malalaki ang katawan all over. Safe na safe!

Pag nasa area ka at gusto mo ng sayawan, there is no place like GEB.

GEB Models Night

GEB Models Night

GEB Ladies Night

GEB Ladies Night

GEB Great Experiences Begin

GEB Great Experiences Begin

GEB Superclub
184 GEB Superclub Tomas Morato · Quezon City, Philippines · 1102

Nagbibilangan Na Ba Kayo Ng Jowa Mo part 2

Let us keep score of our relationship. Why not, di ba?

Iba talaga kami pag tinamaan ng boredom. Naglalaro kami ng pudpuran ng utak. Ito yung mga laro na on the spot lang gagawan ng rules. Nakakatuwa lang talagang isipin na kapag nakita kami ng ibang tao, maiinggit sila dahil masaya kami sa mga munting laro namin.

mahilig kami magpudpuran ng utak

mahilig kami magpudpuran ng utak

Kapag pauwi kami ng Sta. Mesa mula sa Makati, sa PRC-Sta.Ana-Kalentong kami dumadaan. Iniiwasan kasi namin ang traffic sa EDSA. Personally, ayoko na talaga dumaan ng EDSA kahit na kung tutuusin e dalawang sakay lang yun. Mas pinipili ko ang apat na salinsakay para sa mabilis na paglalakbay.

Pagdating namin sa may Sta.Ana, napapadaan kami sa maliit na eskinita kung saan may ale na nagtitinda ng yosi sa umaga. Andun siya ng mga 7am. Bibili kami ng tig-isang yosi at gaya ng dati, mayroon kaming walong minuto para maka-isip ng laro.

Munting laro, munting bilangan. Basta kung ano ang maisipan, yun na yun!

BILANGAN NUMBER 3:

  • sa palengke, pagsasalitan na sasabihin ng bawat isa ang statement na “Gusto mo ba ng ______“.
  • papalitan ang patlang ng kung anong pwedeng makita sa palengke.
  • kailangang bigkasin ang tanong sa loob ng limang minuto matapos magsalita ng kalaban.
  • ang umulit ng bagay na nasabi na ay talo.

Simple lang yung laro di ba? Inaabot kami ng hanggang sa jeep na masakyan bago namin matapos ito. Talagang kailangan mong pakinggan ang sinasabi ng bawat isa. Dapat rin mabilis ang mata mo para alam mo kung ano ang mga bagay sa paligid mo. Kailangan rin na mabilis kang maka-recognize ng objects. Sa pressure ng laro, makakalimutan mo kung ano ang pangalan ng isang prutas o ng isang klase ng laruan.

Natalo ko si @pentells dahil inulit niya ang salitang “eagle”

Di ba simple lang?

Pero nung napadaan ulit kami sa kaparehong kalsada, binigyan namin ng twist ang laro.

BILANGAN NUMBER 4:

  • sa palengke, pagsasalitan na sasabihin ng bawat isa ang statement na “Gusto mo ba ng ______“.
  • papalitan ang patlang ng kung anong pwedeng makita sa palengke.
  • kailangang bigkasin ang tanong sa loob ng limang minuto matapos magsalita ng kalaban.
  • ang umulit ng bagay na nasabi na ay talo.
  • dapat WALANG LETTER “A” ang mga bagay na sasabihin.

Natalo ko si @pentells nung hindi na siya nakapagbigay ng salita after ng 5 seconds matapos ko sabihin na “Gusto mo ba ng Diesel?”

Sa parehong laro, ako ang nananalo. Mas magaling kasi ako sa mga ganitong laro e.

 

Memory Miyerkules: Respeto

Elementary Days.

Ako ang presidente ng section namin noong Grade 5 – Understanding. Hindi ko na maalala kung paano nangyari basta ang alam ko, ako ang naatasan gumawa ng mga bagay bigang leader. Actually, hindi ko sila ginagawa. Dini-delegate ko lang ang trabaho sa mga taong alam kong may talento para gawin ang mga ito.

Dahil mas mabilis matatapos ang work kapag bihasa ang manggagawa. Mas maayos ang trabaho pag specialized ang worker. Mas pulido ang kalalabasan kapag nage-enjoy ang empleyado.

Pero hindi ganoon ang story ng kabilang section; ang Meekness.

Ang alam ko, si John ang binoto nilang presidente noong simula ng school year. Kaso lang, noong ikalawang buwan pa lang, naiba na ang story.

Pinalitan ng kanilang adviser ang si John. Hindi na siya ang nakikita ko pag may meeting ang mga class officers.

Hindi ko alam kung bakit. Ang pinakanasagap ko lang na balita, it was an issue about responsibility. Feeling daw ng adviser, pinaglaruan lang ang botohan. Iniluklok lang ng boys ang isang leader na alam nilang makakasama nila sa kalokohan. Isang leader na pababayaan lang maging magulo ang klase. Isang pinuno na hindi lang pagtatakpan ang tiwali, kundi pangungunahan pa ito.

Ganun din naman ata ako noong elementary days. Actually, hanggang ngayon, medyo ganun din ako. Pero bakit iba ang naging tingin ng aking adviser sa akin?

Siguro, pag adviser na rin ako, makikita ko rin ang dahilan.

Sa ngayon, tinanggap ko na muna ang responsibilidad at ipinangako na gagawin ang lahat sa abot ng aking makakaya.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking