Nagbibilangan Na Ba Kayo Ng Jowa Mo part 2

Let us keep score of our relationship. Why not, di ba?

Iba talaga kami pag tinamaan ng boredom. Naglalaro kami ng pudpuran ng utak. Ito yung mga laro na on the spot lang gagawan ng rules. Nakakatuwa lang talagang isipin na kapag nakita kami ng ibang tao, maiinggit sila dahil masaya kami sa mga munting laro namin.

mahilig kami magpudpuran ng utak

mahilig kami magpudpuran ng utak

Kapag pauwi kami ng Sta. Mesa mula sa Makati, sa PRC-Sta.Ana-Kalentong kami dumadaan. Iniiwasan kasi namin ang traffic sa EDSA. Personally, ayoko na talaga dumaan ng EDSA kahit na kung tutuusin e dalawang sakay lang yun. Mas pinipili ko ang apat na salinsakay para sa mabilis na paglalakbay.

Pagdating namin sa may Sta.Ana, napapadaan kami sa maliit na eskinita kung saan may ale na nagtitinda ng yosi sa umaga. Andun siya ng mga 7am. Bibili kami ng tig-isang yosi at gaya ng dati, mayroon kaming walong minuto para maka-isip ng laro.

Munting laro, munting bilangan. Basta kung ano ang maisipan, yun na yun!

BILANGAN NUMBER 3:

  • sa palengke, pagsasalitan na sasabihin ng bawat isa ang statement na “Gusto mo ba ng ______“.
  • papalitan ang patlang ng kung anong pwedeng makita sa palengke.
  • kailangang bigkasin ang tanong sa loob ng limang minuto matapos magsalita ng kalaban.
  • ang umulit ng bagay na nasabi na ay talo.

Simple lang yung laro di ba? Inaabot kami ng hanggang sa jeep na masakyan bago namin matapos ito. Talagang kailangan mong pakinggan ang sinasabi ng bawat isa. Dapat rin mabilis ang mata mo para alam mo kung ano ang mga bagay sa paligid mo. Kailangan rin na mabilis kang maka-recognize ng objects. Sa pressure ng laro, makakalimutan mo kung ano ang pangalan ng isang prutas o ng isang klase ng laruan.

Natalo ko si @pentells dahil inulit niya ang salitang “eagle”

Di ba simple lang?

Pero nung napadaan ulit kami sa kaparehong kalsada, binigyan namin ng twist ang laro.

BILANGAN NUMBER 4:

  • sa palengke, pagsasalitan na sasabihin ng bawat isa ang statement na “Gusto mo ba ng ______“.
  • papalitan ang patlang ng kung anong pwedeng makita sa palengke.
  • kailangang bigkasin ang tanong sa loob ng limang minuto matapos magsalita ng kalaban.
  • ang umulit ng bagay na nasabi na ay talo.
  • dapat WALANG LETTER “A” ang mga bagay na sasabihin.

Natalo ko si @pentells nung hindi na siya nakapagbigay ng salita after ng 5 seconds matapos ko sabihin na “Gusto mo ba ng Diesel?”

Sa parehong laro, ako ang nananalo. Mas magaling kasi ako sa mga ganitong laro e.

 

0 responses to “Nagbibilangan Na Ba Kayo Ng Jowa Mo part 2

  1. Isa itong kalapastanganan sa aking pangalan. Pinili mo yung malayong daanan pinasakay ako at pinababa ng maraming beses ng jeep, syempre napagod ako at nagutom kaya medyo hindi gumana yung brain cells ko! Hmp.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *