Monthly Archives: March 2013

CM Fusion Bolt Resurrection

Sinabayan ni Girly (pangalan ng aming CM Fusion Bolt) ang passion, death, and resurrection ni Jesus Christ. Hindi ko alam kung bakit, basta ganun ang trip niya.

Noong Friday kasi, sa kalagitnaan ng afternoon, oras na hirap akong bumalik sa pagkakatulog, pinagsasalit-salitan ko ang The Croods, Hotel Story, Candy Crush Saga, at Angry Birds na mga apps ni Girly. Sobrang init ng panahon at sumasabay sa init sa labas ng bahay ang init ng aking CM Fusion Bolt. Ayaw ko naman bitawan dahil nagpapa-antok nga ako.

Cherry Mobile Fusion Bolt

Cherry Mobile Fusion Bolt

May mga chances na pinababayaan ko tumakbo ang app at kusang namamatay ang bolt dahil sa timeout feature nito. After about 30 seconds of inactivity kasi, talagang namamatay siya. Sini-save niya ang energy niya. May pros and cons pala yung ganun.

Ang pinakahuling laro na iniwan ko na tumatakbo e yung The Croods. Weird yung laro na yun. Ayaw niya tumakbo kapag walang internet connection. Kung ako gagawa ng virus, isasabay ko sa ganung klase na app. Sure download ang virus at parating pang monitored dahil may internet connection.

Matapos ang sandaling pagpilit sa pagpikit, na hindi naman ako nagtagumpay, binalikan ko si Girly. Ang kaso, hindi na siya nag-boot pa. Wala namang hard reset button ang CM Fusion Bolt.

Huminga ako ng malalim. Pinigilan kong ihagis sa pader ang tablet ko. Nagtagumpay ako sa Anger Management scheme na yun.

Pagdating ng Sabado, tinawagan ko ang Cherry Mobile support at tinanong kung nasan ang service center nila. Nasa Freedom Plaza daw yun, malapit sa Puregold Shaw Blvd. Wala naman akong oras at duda ako na bukas ang service center ng Sabado de Gloria kaya pinagpasabukas ko na lang.

Makikita nga pala ang number ng Cherry Mobile support sa Website nila. Google niyo na lang.

Dumating ang Linggo, umaasa ako na bubukas pa si Girly kaya pinindot ko ang power button. Kagaya ng isang Apostoles na bumisita sa puntod ni Hesus, umaasa ako na makita ang aking Panginoon.

Hindi nangyari.

Wala akong nakita kundi ang reflection ng mukha ko sa screen protector ng tablet na binayaran namin ng 300 pesos para maikabit.

Binulungan ako ng isang anghel. Promise, may bumulong sa akin. Napakaganda ng boses niya. Para akong nakarinig ng isang kerubin na tumutugtog ng harp.

Dalawang salita lang ang binanggit niya; na agad-agad ko namang sinunod.

“i-charge mo!”

Pagsaksak ko ng unit sa outlet, napangiti ako. Umilaw ang charging signal niya na parang basurahan na napupuno ng green na juice.

Ngayon, nagpapaka-Thomas The Doubter ako. Hindi ko pa binubuksan ang tablet dahil baka hindi pa siya fully charged. Kagaya ni Hesus, parang sinabihan ako ng Tablet na huwag muna siya salingin dahil kailangan pa niya magpakita sa kanyang Ama sa langit.

 

Top 5 Reasons Kung Bakit Ka Fina-Follow Sa Twitter Ng Ex Ng Jowa Mo

Alam mong wala na sila dahil iyo na ngayon ang Girlfriend mo. Alam mo na matagal na yun at halos isang taon na rin silang hindi nag-uusap. Alam mo na ang ex ng Girlfriend mo ay hindi naka-follow sa Twitter niya; pero bakit ganun… ikaw ang fina-follow, ikaw ang nire-retweet, at ikaw rin ang fini-favorite?

Hindi lang sa Twitter, naka-monitor din ang Ex ni Girlfriend sa mga kilos mo sa Foursquare, sa Instagram, sa Ask.Fm at sa ultimate social network na Facebook.

Kapag binlock mo siya, may magfa-follow sa iyo na total stranger na kakagawa lang ng new account. Kapag ina-unblock mo naman, parang may program ang Twitter niya na mag-follow sa iyo.

Ang hashtag mo, hina-hashtag niya. Ang Tweet topic mo, sinasagot niya. Ang trends mo, sinasabi niya rin sa mga tweets niya.

Bakit nga ba? Ano nga bang meron?

  • Wala Silang Closure

Aminin na natin, hindi lahat ng relationship natin sa mga ex natin ay nabibigyan kaagad ng closure. Maswerte na ang mas maaga pa sa 3-month rule ang closure pero kadalasan, inaabot ng taon. Si Popoy at Basha nga, wala pa ring closure. Si Laida Magtalas nga, may kasunod pa silang movie ni John Lloyd dahil wala silang naging closure.

  • Inggit Siya Sayo

Maraming taong naiinggit, at isa na siguro siya doon. Alam niya na kumpleto ka ng networking sites at gusto niya, member din siya dun. Gusto niya malaman kung saan kayo huling nag-date. Gusto niyang pumunta sa mga na-checkinan mo sa Foursquare.

  • Wala Siyang Ibang Source

Tingin kasi niya, isa kang correspondent ng ABSCBN news. Wala siyang TV, at hindi siya naka-subscribe sa RSS feeds ng BBC news. Ang alam lang niya na kunan ng balita ay ang kasama niyang mag-jogging sa umaga na aso niya.

  • Hoping Siya 

Gusto niya makibalita sa GF mo pero hindi siya pinapansin nito kaya sayo na lang niya binubuhos ang atensyon niya. Baka sakali, makopya ka niya at maisipan ni GF na makipagbalikan sa kanya.

  • Bored Siya Sa Buhay Niya

Obvious ba? Walang happenings sa life niya. Naghahanap siya ng pagtutuunan ng pansin dahil sobra ang energy na nakuha niya sa pag-eat ng Tiger Energy Biscuit.

*******

May mga tao din talaga na hindi mo alam kung nagpapapansin lang o may intent talaga. Ang alam ko lang sa mga ganitong klase ng tao, sa kanila nakakakuha ng ideya ang mga writer ng teleserye para bigyan ng karakter ang isang kontrabida.

Sila yung mga pinipilit na makasali pa sa Book3 ng Mara – Clara; samantalang sa unang chapter pa lang ng Book1 e pinatay na sila ng author. Sila yung nagpupumilit na makasali sa isang tournament na wala namang praktis. Sila yung nagpapaskil ng campaign materials sa kalsada ng Makati samantalang sa Maynila naman sila tumatakbo bilang Congressman.

In short, sila yung epal.

Ayos lang yan, dagdag din yan sa hits sa Website at Followers sa Twitter. Mileage din yan, i-enjoy mo na lang.

Bagong Pope

Nagresign na po as Pope si Pope Benedict XVI aka PapaRazzi last week due to old age and sickness; at kagaya ng nakagawian, nagkaroon na naman ng conclave para maghalal ng bagong prinsipe ng simbahan.

Alam ko na ang proseso ng conclave dati dahil nagbabasa naman ako. Tsaka ginagaya namin ang conclave noong nasa DLS-Brothers pa ako kapag naghahalal kami ng Room 1 Aspirant; minsan na akong nahalal na ganito.

Ito ang picture ng ating new Pope:

Pope Francisco

Pope Francisco

 

 

Sa mga pictures niya sa internet, parang napakagaling niya magtalumpati. Madalang ang picture niya na naka-smile siya. Hindi gagana sa kanya ang smile shutter ng camera ko.

Siya ay ang Cardinal ng Buenos Aires, Argentina na si Jose Mario Bergoglio. As of now, 76 years old na siya at napapabalitang naging katunggali ni Pope Benedict XVI 5 years ago.

Siya ang 266th Pope ng Roman Catholic Church.

Trending sa Twitter ngayon ang pangalan na Pope Francis, so malamang, yan ang in-adopt na pangalan ng bagong Papa. #Habemus Papam

Anak ng isang nagtatrabaho sa riles, mas gusto pa raw manirahan ng bagong Papa sa isang maliit na apartment kesa sa mansion ng isang obispo. Hindi rin daw ito maarte dahil nakikita pa nila ito na sumasakay sa public transpo.

May jeepney kaya sa Argentina?

 

Bagong Bisor ng Aegis People Support

Pasensya na po sa mga fans ng blog na to kung hindi na kayo nakakabasa ng updates. Isang buwan na rin kasi nung nabigyan ako ng bagong role sa kumpanya bilang Bisor.

Supervisor. Team Leader.

Aegis People Support

Aegis People Support

Ibig sabihin nito, hindi na ako yung araw-araw na tumatapos ng 80 tickets sa Backoffice Queue. Binigyan ako ng isandosenang mga agents para i-motivate at i-monitor ang kanilang trabaho.

Isandosena, actually, labintatlo. Nadagdagan kasi ng isa matapos ang 2 weeks.

Isa pa, hindi na ako pang-umaga. Hindi na ako anak ng Diyos sa schedule ko. Yung dating 7am-4pm with weekends off ko, napalitan na ng 8pm-5am with Tue-Wed rest days. Yung dalawang taon ko sa pagiging pang-umaga, napalitan ng araw-araw na puyatan.

Kailangan ko na nga ata siguro magsuot ng damit ng Heller Designs na T-Shirt na to:

Araw-araw puyat by Heller Designs

Araw-araw puyat by Heller Designs

Pasensya na at hindi consistent ang pagsusulat ko dito. Pasensya na kung hindi ako nakakapagsulat ng Memory Miyerkules. Pasensya na kung outdated na yung mga event invitation sa sidebar.

Pag natimpla ko na ng maayos ang schedule ko, back to regular programming tayo, pero mukhang matagal pa yun.

Salamat nga pala sa mga manager ko na nagtiwala sa kakayahan ko, ganun na din sa mga TL na hindi umangal sa pagkaka-promote ko. Salamat na rin kay @penTells sa pag-push sa akin sa pag-apply.

“Mag-apply ka na kasi, para pag-pinakilala kita sa tatay ko, bisor ka.”