Bagong Bisor ng Aegis People Support

Pasensya na po sa mga fans ng blog na to kung hindi na kayo nakakabasa ng updates. Isang buwan na rin kasi nung nabigyan ako ng bagong role sa kumpanya bilang Bisor.

Supervisor. Team Leader.

Aegis People Support

Aegis People Support

Ibig sabihin nito, hindi na ako yung araw-araw na tumatapos ng 80 tickets sa Backoffice Queue. Binigyan ako ng isandosenang mga agents para i-motivate at i-monitor ang kanilang trabaho.

Isandosena, actually, labintatlo. Nadagdagan kasi ng isa matapos ang 2 weeks.

Isa pa, hindi na ako pang-umaga. Hindi na ako anak ng Diyos sa schedule ko. Yung dating 7am-4pm with weekends off ko, napalitan na ng 8pm-5am with Tue-Wed rest days. Yung dalawang taon ko sa pagiging pang-umaga, napalitan ng araw-araw na puyatan.

Kailangan ko na nga ata siguro magsuot ng damit ng Heller Designs na T-Shirt na to:

Araw-araw puyat by Heller Designs

Araw-araw puyat by Heller Designs

Pasensya na at hindi consistent ang pagsusulat ko dito. Pasensya na kung hindi ako nakakapagsulat ng Memory Miyerkules. Pasensya na kung outdated na yung mga event invitation sa sidebar.

Pag natimpla ko na ng maayos ang schedule ko, back to regular programming tayo, pero mukhang matagal pa yun.

Salamat nga pala sa mga manager ko na nagtiwala sa kakayahan ko, ganun na din sa mga TL na hindi umangal sa pagkaka-promote ko. Salamat na rin kay @penTells sa pag-push sa akin sa pag-apply.

“Mag-apply ka na kasi, para pag-pinakilala kita sa tatay ko, bisor ka.”

0 responses to “Bagong Bisor ng Aegis People Support

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *