Top 5 Reasons Kung Bakit Ka Fina-Follow Sa Twitter Ng Ex Ng Jowa Mo

Alam mong wala na sila dahil iyo na ngayon ang Girlfriend mo. Alam mo na matagal na yun at halos isang taon na rin silang hindi nag-uusap. Alam mo na ang ex ng Girlfriend mo ay hindi naka-follow sa Twitter niya; pero bakit ganun… ikaw ang fina-follow, ikaw ang nire-retweet, at ikaw rin ang fini-favorite?

Hindi lang sa Twitter, naka-monitor din ang Ex ni Girlfriend sa mga kilos mo sa Foursquare, sa Instagram, sa Ask.Fm at sa ultimate social network na Facebook.

Kapag binlock mo siya, may magfa-follow sa iyo na total stranger na kakagawa lang ng new account. Kapag ina-unblock mo naman, parang may program ang Twitter niya na mag-follow sa iyo.

Ang hashtag mo, hina-hashtag niya. Ang Tweet topic mo, sinasagot niya. Ang trends mo, sinasabi niya rin sa mga tweets niya.

Bakit nga ba? Ano nga bang meron?

  • Wala Silang Closure

Aminin na natin, hindi lahat ng relationship natin sa mga ex natin ay nabibigyan kaagad ng closure. Maswerte na ang mas maaga pa sa 3-month rule ang closure pero kadalasan, inaabot ng taon. Si Popoy at Basha nga, wala pa ring closure. Si Laida Magtalas nga, may kasunod pa silang movie ni John Lloyd dahil wala silang naging closure.

  • Inggit Siya Sayo

Maraming taong naiinggit, at isa na siguro siya doon. Alam niya na kumpleto ka ng networking sites at gusto niya, member din siya dun. Gusto niya malaman kung saan kayo huling nag-date. Gusto niyang pumunta sa mga na-checkinan mo sa Foursquare.

  • Wala Siyang Ibang Source

Tingin kasi niya, isa kang correspondent ng ABSCBN news. Wala siyang TV, at hindi siya naka-subscribe sa RSS feeds ng BBC news. Ang alam lang niya na kunan ng balita ay ang kasama niyang mag-jogging sa umaga na aso niya.

  • Hoping Siya 

Gusto niya makibalita sa GF mo pero hindi siya pinapansin nito kaya sayo na lang niya binubuhos ang atensyon niya. Baka sakali, makopya ka niya at maisipan ni GF na makipagbalikan sa kanya.

  • Bored Siya Sa Buhay Niya

Obvious ba? Walang happenings sa life niya. Naghahanap siya ng pagtutuunan ng pansin dahil sobra ang energy na nakuha niya sa pag-eat ng Tiger Energy Biscuit.

*******

May mga tao din talaga na hindi mo alam kung nagpapapansin lang o may intent talaga. Ang alam ko lang sa mga ganitong klase ng tao, sa kanila nakakakuha ng ideya ang mga writer ng teleserye para bigyan ng karakter ang isang kontrabida.

Sila yung mga pinipilit na makasali pa sa Book3 ng Mara – Clara; samantalang sa unang chapter pa lang ng Book1 e pinatay na sila ng author. Sila yung nagpupumilit na makasali sa isang tournament na wala namang praktis. Sila yung nagpapaskil ng campaign materials sa kalsada ng Makati samantalang sa Maynila naman sila tumatakbo bilang Congressman.

In short, sila yung epal.

Ayos lang yan, dagdag din yan sa hits sa Website at Followers sa Twitter. Mileage din yan, i-enjoy mo na lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *