CM Fusion Bolt Resurrection

Sinabayan ni Girly (pangalan ng aming CM Fusion Bolt) ang passion, death, and resurrection ni Jesus Christ. Hindi ko alam kung bakit, basta ganun ang trip niya.

Noong Friday kasi, sa kalagitnaan ng afternoon, oras na hirap akong bumalik sa pagkakatulog, pinagsasalit-salitan ko ang The Croods, Hotel Story, Candy Crush Saga, at Angry Birds na mga apps ni Girly. Sobrang init ng panahon at sumasabay sa init sa labas ng bahay ang init ng aking CM Fusion Bolt. Ayaw ko naman bitawan dahil nagpapa-antok nga ako.

Cherry Mobile Fusion Bolt

Cherry Mobile Fusion Bolt

May mga chances na pinababayaan ko tumakbo ang app at kusang namamatay ang bolt dahil sa timeout feature nito. After about 30 seconds of inactivity kasi, talagang namamatay siya. Sini-save niya ang energy niya. May pros and cons pala yung ganun.

Ang pinakahuling laro na iniwan ko na tumatakbo e yung The Croods. Weird yung laro na yun. Ayaw niya tumakbo kapag walang internet connection. Kung ako gagawa ng virus, isasabay ko sa ganung klase na app. Sure download ang virus at parating pang monitored dahil may internet connection.

Matapos ang sandaling pagpilit sa pagpikit, na hindi naman ako nagtagumpay, binalikan ko si Girly. Ang kaso, hindi na siya nag-boot pa. Wala namang hard reset button ang CM Fusion Bolt.

Huminga ako ng malalim. Pinigilan kong ihagis sa pader ang tablet ko. Nagtagumpay ako sa Anger Management scheme na yun.

Pagdating ng Sabado, tinawagan ko ang Cherry Mobile support at tinanong kung nasan ang service center nila. Nasa Freedom Plaza daw yun, malapit sa Puregold Shaw Blvd. Wala naman akong oras at duda ako na bukas ang service center ng Sabado de Gloria kaya pinagpasabukas ko na lang.

Makikita nga pala ang number ng Cherry Mobile support sa Website nila. Google niyo na lang.

Dumating ang Linggo, umaasa ako na bubukas pa si Girly kaya pinindot ko ang power button. Kagaya ng isang Apostoles na bumisita sa puntod ni Hesus, umaasa ako na makita ang aking Panginoon.

Hindi nangyari.

Wala akong nakita kundi ang reflection ng mukha ko sa screen protector ng tablet na binayaran namin ng 300 pesos para maikabit.

Binulungan ako ng isang anghel. Promise, may bumulong sa akin. Napakaganda ng boses niya. Para akong nakarinig ng isang kerubin na tumutugtog ng harp.

Dalawang salita lang ang binanggit niya; na agad-agad ko namang sinunod.

“i-charge mo!”

Pagsaksak ko ng unit sa outlet, napangiti ako. Umilaw ang charging signal niya na parang basurahan na napupuno ng green na juice.

Ngayon, nagpapaka-Thomas The Doubter ako. Hindi ko pa binubuksan ang tablet dahil baka hindi pa siya fully charged. Kagaya ni Hesus, parang sinabihan ako ng Tablet na huwag muna siya salingin dahil kailangan pa niya magpakita sa kanyang Ama sa langit.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *