Monthly Archives: April 2013

Si Janine Tugonon at ang kanyang Pusong Bato

Kung mahirap magmahal, mas mahirap magmahal ng ala diva na beauty queen. Bukod sa high maintenance na, andami mo pang kaagaw.

Sakto, ganyan na ganyan ang nararamdaman ni katokayo na si Jaypee Santos dahil hindi naman mapagkakaila na pantasya ng mga tunay na lalaki si Janine Tugonon, Ms Universe 1st runner up. Matalino, maganda ang tindig, malakas ang dating at higit sa lahat, fina-follow ng bokalista ng The Script.

Sabihin na natin na hindi nga niya pinagpalit si Jaypee Kay Daniel O’Donoghue pero yung pag broadcast niya in live TV na seloso si Jaypee, hindi ba pagiging Pusong Bato yun. Hindi ko napanood ng buo yung episode pero dun sa cut na nakita ko sa YouTube, mukhang ganun nga ang kinalabasan.

Kasalanan ito ni Kris Aquino. Ginatungan pa niya. Gwapo naman daw talaga yung bokalista na Irish, at dapat matuwa pa raw si Jaypee dahil ang kaagaw niya ay isang foreigner na kumakanta ng Breakeven at The Man Who Cannot Be Moved. Buti na lang at nandun si Sweet Lapuz para gawing comedy ang eksena pero hindi pa rin e.

In all fairness, saludo ako sa tapang ni Jaypee Santos. Hindi siya nagwalk out siguro dahil wala naman din siyang karapatan. Ininda niya ang sakit. Nagpunta pa rin siya sa set kahit medyo tagilid siya at break sila ni Janine; patunay na mahal niya ito at binibigyan niya ng halaga kung ano ang meron sila.

Hindi kagaya ni Janine. Oo nga siguro at binibigyan niya ng Empowerment of Women ang kasalukuyang panahon. Pinatunayan niya sa eksena na yun kung paano dapat pinahahalagahan ang mga babae dahil kaya rin nilang mang-iwan, pero yung naka-apak na siya ng Ego, hindi yun tama.

Kanta na lang tayo:

videokeman mp3
Pusong Bato – Alon Band Song Lyrics
 

Walang KaBAKLAan Ang Binibining Pilipinas Gold

Nothing against our LGBT community. Mataas respeto ko sa kanila. Naiinis nga ako kung bakit parang walang kabaklaan ang Binibining Pilipinas Gold.

Ngayon, April 14, 2013 – Sunday ginanap ang ika-50 na Binibining Pilipinas pageant. Kokoronahan mula sa 50 contestants ang apat na ipadadala natin sa internation pageants; Miss World, Universe, Galaxy at Milky Way.

Binibining Pilipinas Gold

Wala talaga akong alam sa mga ganyan. Swimsuit Competition lang ang inaabangan ko.

Kaya sa swimsuit competition lang tayo, dun lang.

Maganda ang camera angles. Kuha nito kung saan dadaan ang mga kandidata. Pano ba naman kasi, naglagay sila ng halos singkwentang topless na Poydancers na nagpapaikot-ikot at nagyo-yoyo ng kanilang mga poy. Parang ginawan ng isang maze ang stage ng Araneta Coliseum kung saan ang mga kandidata ay magzi-zigzag para makaiwas sa mga topless poydancers.

At yung mga camera angles, parang hango sa Takeshi’s Castle or sa ASAP. Ewan ko pero parang hindi ko rin nakita ang ganda ng mga kandidata dahil natatakot ako na baka tamaan sila ng poy. Promise, umiilag yung mga beauty contestants sa mga umiikot na poy.

Buti hindi nilagyan ng apoy kagaya ng ginawa ni Isabel Granada at kanyang mga Kapamilya sa Showtime.

Isa pang angal sa Twitter, yung pag-pan ng camera sa mga candidates. Maganda ang effect pero hindi mo mahuhusgahan. Tanging si James Younghusband kasama ng 49 pa na hurado ang pwedeng makapaghusga, yun e kung kaya nilang masilip ang mga kandidata sa dagat ng topless poydancers.

Nasa channel 2 – ABS-CBN ang coverage. Hindi ko alam kung may replay. Feeling ko nga replay na yun dahil out of synch ang audio.

O baka naman dahil cable TV ang pinapanuoran ko.

Yung officemate ko na badey, nag-tweet. Matutulog na lang daw siya.

 

UPDATE:

Ariella Arida, 24 years old – Miss Universe 
Bea Rose Santiago, 23 from Masbate – International
Joanna Cindy Miranda of Nueva Ecijia also 23 – Tourism
Mutya Johanna Datul, 20, of Isabela – Supranational
Pia Wurtzbach, 23, who is also a member of ABS-CBN’s Star Magic, was named first runner up

Sobrang Init

Ang Pilipinas ay isang bansa na malapit sa equator kung saan pinakamalapit ang lugar na ito sa ating haring araw.

Ang pinakamainit na naitalang temperature sa Pilipinas ay noong May 11, 1969 sa tinatayang 42.2 °C (108 °F). Hindi ko alam kung gaano kainit ang panahon na yun, pero kung yan ang temperature ng katawan mo, dapat magpa-ospital ka na.

FYI lang, ang taong may greater than 37 °C ay considered na may lagnat na. Madadaan pa yan sa maraming tubig, gamot, at pahinga. Para maiwasan ito, ugaliing magtake ng vitamins araw at araw at uminom ng malinis na walong basong tubig sa buong maghapon.

Pero April na, hindi pa rin ako nakakapaglublob sa swimming pool. Nung birthday ng inaanak ko na si Khiel, hindi rin naman ako nakapagswimming dahil tinitignan ko pa lang yung pool, para na akong nakatingin sa pinakukuluang tubig sa malaking palanggana. Hindi rin makakatulong sa skin ko, wag na lang.

Kelan kaya ako makakapagbabad sa tubig?

Humidity, (maalinsangan), yan ang isa pa sa mga pwedeng sisihin sa nararamdaman nating init ng panahon. Dahil sa vapor substance sa hangin, nagiging mas mainit ng 2-3 degree celsius ang nararamdaman natin kumapara sa actual temperature ng paligid. Lupit noh? Parang pinagti-tripan lang tayo.

Ang solusyon sa mainit na panahon, Halo-halo na binibenta ng kapitbahay sa halagang 25 pesos. Nilibre ako ng tatay ko kanina. Sayang hindi ko napicturan dahil inubos ko kagad.

ANNOUNCEMENT: KnP Blog CLOSING!

Napansin ko rin naman kasi na sobrang baba na ng views ng Website ko, wala nang kwenta pa kung ipagpapatuloy ko pa rin ang pagsusulat. Para rin naman kasing walang pumapansin sa papansin na katulad ko.

Bukod pa dito, magulo na rin ang blogosphere. Andaming nag-aaway. Andaming nagsisiraan. May mga issue pa na may mga misrepresentation daw at mga lootbag bloggers. Ayoko madamay sa mundong puro pasikat at punung-puno ng crab mentality. Ayokong mabansagan na nagsusulat lang para sa mga kapalit na goodies. May passion ako sa pagsusulat at hindi ko pababayaan na madungisan ng maduduming kaisipan ang pagsusulat ko.

Stop!

Stop!

Siguro, magsisimula na lang akong magsulat sa likod ng Pen name. Ayoko na kasing makita ng buong mundo kung sino ako, baka mapag-tripan lang din ako.

Isa pa sa mga dahilan ang pagiging busy ng schedule ko. Simula nung ma-promote ako sa trabaho bilang Team Lead-OIC, parati nang drained ang utak ko at sobrang effort na para lang makapagsulat ako dito sa blog. Hindi na nga rin ako nakakapag-travel e.

Basta ayaw ko na! Bahala na kayo maghanap ng ibang blog na pupuntahan ninyo at hahanapan ng balita tungkol sa akin. Siguro, idi-delete ko na rin ang Facebook at Twitter ko pag hindi ko na rin sila ma-update regularly.

Wala nang ibang solusyon, ito na lang.

yaD slooF lirpA yppaH!!