Monthly Archives: May 2013

The 27th by Pen and Pepi

Taun-taon kong problema ito.
Buti na lang dalawa na kaming namumroblema.

Ako kasi, mas gusto ko na painom lang. Yung saktong inuman lang at chips / inihaw lang na pulutan. Sakto na sa akin yun pag birthday ko. Mas tipid pa.

Ang kaso, naging ugali ko na mag-imbita ng marami at syempre, hindi pwede sa kanila na inom lang. Ang mommy dearest ko naman, gusto niya na naghahanda ng pagkain. Kumpleto dapat; may kanin, ulam, pasta, salad, at dessert. No choice ako minsan.

This year, actually, bukas na siya, gaganapin ang birthday party ko, at hindi lang yun. Pag-iisahin namin ni Jhey ang birthday party namin. Mas tipid di ba? Mas marami pang bisita.

Beer Towers, Banda, Buffet.

Pagdating sa inuman, napili kong ihanda yung Buwis Buhay Concoction. Natutunan ko ito noong birthday ng aming running coach sa Southern Treaders na si Running Ade. Halo siya ng Gin, Vodka, Rhum, Tequila, Beer, at secret ingredients 1 and 2. Tried and tested na ang alak na ito at siguradong may magtutumbahan.

Sa entertainment, naka-set up ang full band namin. Ang pinsan ko, kasama ng kanyang banda na Lights Out ang tutugtog. Alam na nila ang mga gusto kong tugtugan kaya more or less, wala na silang pinaghandaan na mga piyesa. Isa pa, gusto din nila talaga na magkaroon ng steady jam every once in a while. Importante yun sa mga dating mga magkakaibigan.

Hindi magpapahuli ang kainan. Spaghetti, chicken, lumpia ang staples. May bread, macaroni salad at buko pandan. At syempre pa, Beef Nachos/Tacos na unlimited. Yan ang magiging handa ko.

O paano, see you sa birthday party namin ni Jhey.

The 27th by Pen and Pepi.

Buwis Buhay Concoction

Buwis Buhay Concoction

Pen and Pepi

Pen and Pepi

Nachos

Nachos

 

Beer Tower

Beer Tower

 

 

Pen’s 22nd bday on the 27th.
Pepi’s 27th bday.

Cancelled ang Sagala sa Opisina

*at hindi ako sinabihan.

Well, hindi naman ako ang sasagala e, pero ako kasi ang Team Lead at trabaho ko na sabihan ang mga agents ko kung tuloy ba o hindi ang isang event na dalawang linggo nang pinag-uusapan.

Paano ba naman, rest day ako ng Tuesday-Wednesday. Thursday ang event. Yung Reyna ng team ko, pareho ng rest day ko.

Kung hindi pa nakipag-chikahan si Pentells sa dati niyang TL, hindi pa namin malalaman na postpone until further notice ang event.

Nakapagpa-parlor pa naman yung agent ko. Handang handa pa naman yung gown niya. Naka-ready din yung arko na gagamitin. Yung isa ko ngang agent, hindi ko man sinabihan na siya ang magiging escort, alam ko na naghanda dahil iba ang pabango niya ngayon. Tapos malalaman ko lang na hindi pala tuloy.

Badtrip di ba?

Yung mga beki daw sa opisina ang nag-request. Wala pa raw kasing sahod kaya wala pa silang pambili ng mga gagamitin nila sa sagala.

Mga poor ba sila? Wala ba silang connections? Wala ba silang mahihiraman?

Anubayan!

Well, at least alam ko na ang team ko, maaasahan pagdating sa mga ganitong pagkakataon.

 

Ryza Cenon on FHM Cover May 2013

Hindi ko naman din siya gaano kilala, ang alam ko lang talent siya ng GMA-7 at galing siya sa starstruck.

Kaya naman nung nasabihan ako na may autograph signing siya sa Robinsons Galleria Movieworld noong Friday ng mga 6pm, nakipag-swap ako sa kapwa ko bisor ng oras para lang makita siya.

Maganda siya. Maputi siya at matangos ang ilong. Tama lang ang tangkad.

Ryza Cenon

So hindi na lang pala dancing ang active talent ng ating 25 year old INDIO girl. Lumi-level up na siya ngayon.

Rihanna ang concept ng kanyang photos sa FHM May 2013. Kahit ganun na ka-sexy ang poses niya, hindi pa raw siya handa mag playboy magazines at iba pang mas sexy na pictorials. Hindi pa sa ngayon.

Aantayin na lang natin kung kailan. Sure ako na lalabas rin siya sa ibang mas daring na magazines.

 

League Of Legends Ranked Games Requirements

Ito ang nilalaro ko ngayon. League of Legends. DOTA ang format ng laro. May lanes, towers, champions, summons, skills at mga bagay na mas enhanced kumpara sa DOTA. Maliit lang ang file kaya sure ako na madali lang itong mai-install sa laptop mo.

Requirements in playing LOL Ranked Games:

  • Level 30 account
  • 16 champions bought

Mga 1 month na rin ako sa level 30. Kaso, kahit isang rank game, hindi pa ako nakakapaglaro. Pano ba naman, kailangan daw bumili ako ng 16 na champions bago ako makapag rank games.

E pito lang ang champions ko.

Sa totoo nga, dalawang champions lang ang alam kong gamitin.

Nasus

Brand

 

Silang dalawa lang. Yung pagkakaayos nga ng runes at masteries ko, para sa kanilang dalawa lang e. Wala nang iba.

Napilitan tuloy ako bumili ng mga champions na hindi ko naman gagamitin. Ubos na ang in game pera ko, kulang pa rin ako ng siyam.

Haaaayy, buhay.

Nakakatempt tuloy gamitin ang credit card ko para makabili lang ng champions gamit ang tunay na pera.