Hindi Ko Tatanggapin Ang Pera Mo

Choosy pa si manong.

Jeep na byaheng Sta. Ana – Faura ang nasakyan ko. Sumakay ako mula sa Kalentong at bababa ako sa Sta. Ana palengke papasok ng trabaho sa Makati.

Nakapagbayad na ako. Barya ang inaabot ko kadalasan; limang piso at tatlong mamiso. Mas madali ang transaksyon pag wala nang suklian.

Kagaya ng araw-araw na pagsakay ko sa jeep, hindi ako solo sa sasakyan. May makakasabay ka na iba’t ibang klase ng tao. May mga naka-postura, naka-palda, naka-shorts na pambasketbol, at naka-uniform kahit summer. May mga estudyante, senior citizen, empleyado, at kung maswerte ka, may kasakay kang aso o manok.

Pero isang mama na nakasumbrero ang naka-engkwentro ng tsuper na nasakyan ko.

“Bayad po”, sabi ng naka-sumbrero sabay abot ng singkwenta pesos. Inabot ko naman ang bayad papunta sa driver dahil yun ang job description ng pasahero sa likod ng driver’s seat.

Nang makuha ng driver ang bayad, tinignan niya ito ng bahagya. Double check lang kung singkwenta nga talaga o dalawampung piso lang. Na-verify naman niya na singkwenta nga.

Ang kaso…

“Umm boss, pasensya na po ha,” Malakas na binanggit ng driver, para na rin marinig ang boses niya kahit maingay ang kalsada. “Hindi ko po matatanggap ang pera ninyo.”

Akala ko naman e vote buying o magkaibigan sila at tinanggihan lang ng driver ang bayad. Mali ang first 2 guesses ko.

“Hindi po kasi tinatanggap ang mga perang may sulat. Pasensya na po.”

Choosy naman itong driver na to; choosy nga ba or sumusunod lang sa batas ng mga patriots…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *