League Of Legends Ranked Games Requirements

Ito ang nilalaro ko ngayon. League of Legends. DOTA ang format ng laro. May lanes, towers, champions, summons, skills at mga bagay na mas enhanced kumpara sa DOTA. Maliit lang ang file kaya sure ako na madali lang itong mai-install sa laptop mo.

Requirements in playing LOL Ranked Games:

  • Level 30 account
  • 16 champions bought

Mga 1 month na rin ako sa level 30. Kaso, kahit isang rank game, hindi pa ako nakakapaglaro. Pano ba naman, kailangan daw bumili ako ng 16 na champions bago ako makapag rank games.

E pito lang ang champions ko.

Sa totoo nga, dalawang champions lang ang alam kong gamitin.

Nasus

Brand

 

Silang dalawa lang. Yung pagkakaayos nga ng runes at masteries ko, para sa kanilang dalawa lang e. Wala nang iba.

Napilitan tuloy ako bumili ng mga champions na hindi ko naman gagamitin. Ubos na ang in game pera ko, kulang pa rin ako ng siyam.

Haaaayy, buhay.

Nakakatempt tuloy gamitin ang credit card ko para makabili lang ng champions gamit ang tunay na pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *