The 27th by Pen and Pepi

Taun-taon kong problema ito.
Buti na lang dalawa na kaming namumroblema.

Ako kasi, mas gusto ko na painom lang. Yung saktong inuman lang at chips / inihaw lang na pulutan. Sakto na sa akin yun pag birthday ko. Mas tipid pa.

Ang kaso, naging ugali ko na mag-imbita ng marami at syempre, hindi pwede sa kanila na inom lang. Ang mommy dearest ko naman, gusto niya na naghahanda ng pagkain. Kumpleto dapat; may kanin, ulam, pasta, salad, at dessert. No choice ako minsan.

This year, actually, bukas na siya, gaganapin ang birthday party ko, at hindi lang yun. Pag-iisahin namin ni Jhey ang birthday party namin. Mas tipid di ba? Mas marami pang bisita.

Beer Towers, Banda, Buffet.

Pagdating sa inuman, napili kong ihanda yung Buwis Buhay Concoction. Natutunan ko ito noong birthday ng aming running coach sa Southern Treaders na si Running Ade. Halo siya ng Gin, Vodka, Rhum, Tequila, Beer, at secret ingredients 1 and 2. Tried and tested na ang alak na ito at siguradong may magtutumbahan.

Sa entertainment, naka-set up ang full band namin. Ang pinsan ko, kasama ng kanyang banda na Lights Out ang tutugtog. Alam na nila ang mga gusto kong tugtugan kaya more or less, wala na silang pinaghandaan na mga piyesa. Isa pa, gusto din nila talaga na magkaroon ng steady jam every once in a while. Importante yun sa mga dating mga magkakaibigan.

Hindi magpapahuli ang kainan. Spaghetti, chicken, lumpia ang staples. May bread, macaroni salad at buko pandan. At syempre pa, Beef Nachos/Tacos na unlimited. Yan ang magiging handa ko.

O paano, see you sa birthday party namin ni Jhey.

The 27th by Pen and Pepi.

Buwis Buhay Concoction

Buwis Buhay Concoction

Pen and Pepi

Pen and Pepi

Nachos

Nachos

 

Beer Tower

Beer Tower

 

 

Pen’s 22nd bday on the 27th.
Pepi’s 27th bday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *