Monthly Archives: May 2013

Chinabank Main Branch Information

Gusto ko lang ito ilagay dito.

Main Office:
8745 Paseo De Roxas Corner Villar Street Salcedo Village,Makati 1226
Branch Code – 103203303
Phone Number – 8855112
Swift code – chbkphmm

Nahihirapan kasi kami mahanap ito kapag kailangan. Pag may ipapadala na pera galing sa ibang bansa, kailangan ang details na ito. Ang hirap kaya makuha nito. Pag nag-dial ka naman sa hotline ng chinabank, ita-transfer ka ng limang beses bago mo makuha ang details na ito, lalo na yung SWIFT CODE.

Lecheng swift code yan. Chinabank international pa ang napuntahan ko na department makuha lang yan. Across all chinabank naman pala yan. Sana man lang, available siya through the internet.

 

Hindi Ko Tatanggapin Ang Pera Mo

Choosy pa si manong.

Jeep na byaheng Sta. Ana – Faura ang nasakyan ko. Sumakay ako mula sa Kalentong at bababa ako sa Sta. Ana palengke papasok ng trabaho sa Makati.

Nakapagbayad na ako. Barya ang inaabot ko kadalasan; limang piso at tatlong mamiso. Mas madali ang transaksyon pag wala nang suklian.

Kagaya ng araw-araw na pagsakay ko sa jeep, hindi ako solo sa sasakyan. May makakasabay ka na iba’t ibang klase ng tao. May mga naka-postura, naka-palda, naka-shorts na pambasketbol, at naka-uniform kahit summer. May mga estudyante, senior citizen, empleyado, at kung maswerte ka, may kasakay kang aso o manok.

Pero isang mama na nakasumbrero ang naka-engkwentro ng tsuper na nasakyan ko.

“Bayad po”, sabi ng naka-sumbrero sabay abot ng singkwenta pesos. Inabot ko naman ang bayad papunta sa driver dahil yun ang job description ng pasahero sa likod ng driver’s seat.

Nang makuha ng driver ang bayad, tinignan niya ito ng bahagya. Double check lang kung singkwenta nga talaga o dalawampung piso lang. Na-verify naman niya na singkwenta nga.

Ang kaso…

“Umm boss, pasensya na po ha,” Malakas na binanggit ng driver, para na rin marinig ang boses niya kahit maingay ang kalsada. “Hindi ko po matatanggap ang pera ninyo.”

Akala ko naman e vote buying o magkaibigan sila at tinanggihan lang ng driver ang bayad. Mali ang first 2 guesses ko.

“Hindi po kasi tinatanggap ang mga perang may sulat. Pasensya na po.”

Choosy naman itong driver na to; choosy nga ba or sumusunod lang sa batas ng mga patriots…