Sam Mendoza – Scamming since 2011

Pero ngayon lang niya nakuha ang number ko. I feel to sikat na talaga!

Iba’t ibang klase ng scammers ang nagkalat ngayon sa Earth. Ang pinakahuli kong nakasalamuha ay itong si Sam Mendoza.

Magpapadala siya sa iyo ng text message. Kunwari, may job offer siya sa isang malaking kumpanya sa Manila. Since taga-Mindanao siya, kakailanganin niya ng pamasahe. Wala na siyang mga kamag-anak at kaibigan kaya ikaw, na may hawak ng cellphone mo ngayon, ay hihingian niya ng tulong.

Matalino raw siya na bata. Cum Laude raw siya sa Lasalle-Bacolod. Nakakapagtaka lang dahil ang alam ko, 4.0 ang highest scores sa Lasalle, pero siya lang ang may score na 1.5 na Cum Laude.

Hanep din itong si Sam. Real name na niya ang Sam, na karaniwang palayaw lang ng mga Samantha o Samuel.

Ang malupit nito, babae si Sam. Ito ang picture niya sa kanyang website na http://www.sanmigwish.tk:

Sam Mendoza, scamming since 2011

Sam Mendoza, scamming since 2011

Kanina sa opisina, habang busy ako sa pagta-trabaho, text ng text sa akin itong si Sam. Kinukulit ako na bigyan ko siya ng pamasahe papuntang Manila. Ok lang daw sa kanya kahit pamasahe lang sa barko. Gagawin daw niya ang lahat, matulungan lang siya.

Aba, e kung ganoon, marami talagang tutulong sa kanya.

Nanginginig ang cellphone ko sa buong shift ko. Hassle talaga pag nakuha ng mga scammer ang cellphone number mo!

Ito ang text niya sakin:

Dahil may masipag akong officemate, nag-research sila gamit ang Google. Top sa search results ang isang blogpost 2 years ago na nagsasabi na ganito nga ang modus nitong si Sam. May mga nagpatunay pa nga dahil sa dami ng comments.

Matagal na palang modus ito noh? Ilan round trip tickets sa Cebu Pacific na kaya ang nabili nitong si Sam?

Kung ako gagawa ng ganitong modus, gagawin kong pang international. Kunwari, kailangan ko pumunta sa Facebook office sa states dahil binili nila ang aking Facebook app. Need ko lang ng pamasahe in dollars.

Kaso, wala akong kapalit na maibibigay.

0 responses to “Sam Mendoza – Scamming since 2011

  1. Ang masaklap, hindi pala yang mukha na yan ang talagang scammer. kawawa naman kung sino man yang mukha na yan pag nagkataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *