Miami Heat Ang Magcha-CHAMPION Sa NBA 2013

Matapang akong mag-predict kahit katatapos pa lang ng game 2 at wala pa akong napapanood na laro kahit isa. Tulog kasi ako parati pag airing na ang ang game sa ABS-CBN channel 2.

Pwede mo sabihin na nakikibandwagon lang ako, pero FYI, I place my money where my mouth is. Nakapusta ako sa Miami para sa series na ito. Pag mali ang prediction ko, -1k ako.

Kung tama naman ako, may pan-date na kami ni Pentells. Pambili din ng popcorn ang 1k para sa isang DLSU-ADMU na UAAP game.

Kaya naman nasabi ko to, dahil pag pinagtapat mo ang bench ng Miami at bench ng San Antonio Spurs, mas may puso ang bench mg Heat.

I mean yung mga back up ni Wade-Bosh-Lebron; Ray Allen, Birdman, Miller, Chalmers, subok na ang puso ng mga yan. Si Tiago Splitter lang ang nakikita kong may tapang sa kabila.

Oo, nung game 1, ang tumalo sa Heat ay yung French guy na si Tony Parker, pero yung game 2 kanina, hindi naman si Lebron lang ang nagpa-panalo sa Heat e. Maganda ang galaw ng mga teammates niya kaya madali lang mag dish out ng pasa.

Siguro dahil na rin para sa Spurs, threat talaga pag hawak na ni Lebron ang bola.

Andami kong sinasabi, wala naman akong napapanood pa na laban. Di bale, Game 3 is Tuesday in San Antonio 9 p.m. ET. Manonood ako. San ba nakakabili ng ticket papuntang San Antonio, Texas para makanood sa patron seats?

Or sa  Barangay San Roque na lang siguro ako manonood pag wala akong nabiling ticket sa eroplano.

Eto yung gif ng butata ni Lebron kay Tiago!:

Eto picture:

Lebron butata NBA Finals 2013

Lebron butata NBA Finals 2013

 

at Eto naman ang picture ng isang Champion:

#TapatPoSaInyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *