Daily Archives: 2013-06-13

Movie Review: Man Of Steel

*Sa Tagalog, Boy-Bakal.

I was expecting too much love angles with Lana Lang or Lois Lane. I was expecting the usual Lex Luthor arcenemy collision. I was expecting the normal superhero movie. I was wrong.

Man Of Steel – Now Showing *salamat kay pentells for the pic

Sa movie na ito na-define ang beginnings ng isang Superman. Binuksan nito ang pinto para sa lahat ng pwedeng sumunod na movies gaya na lang ng bulung-bulungan na Justice League. Nandito ang elements ng history at explanation kung bakit iba si Kal-El kumpara sa kanyang mga planetmates.

Dito mo makikita kung anong psychology ang naibigay kay Clark Kent kaya kahit na naririnig niya ang lahat ng bagay sa mundo, kaya pa rin niyang maging “sane”. Dito rin mapapanood kung bakit kung kelan matanda na si Clark Kent e dun lang niya naisipang tumulong sa mga tao. Dito sa movie na ito kakapit ng mahigpit sayo ang ka-date mo dahil may pagka-suspense/thriller ang mga eksena.

Hindi ako nagsisisi at pinanuod namin ang movie na ito.

Ito favorite lines ko na nai-post ko sa Twitter habang tumatakbo ang movie:

@pepideleon12 JunThe world is so big mom. #manofsteel
@pepideleon12 JunPeople are afraid of what they don’t understand. #manofsteel
@pepideleon12 JunKeep testing your limits. #manofsteel
‏@pepideleon12 JunI had to wait. The world is not ready. #manofsteel
@pepideleon12 JunThe world will react differently if they know there is someone who can do this out there. #manofsteel
‏@pentells12 JunSometimes you have take a leap of faith first, the trusting part comes later. #manofsteel
Wala raw ibang palabas sa sinehan kundi Man Of Steel. No choice ka! Manuod ka na!

KnP No Longer Has Blackberry 9220

*sa mommy ko na siya.

Nothing against sa Blackberry. Kung ako papipiliin, mas gugustuhin ko ang QWERTY na may BBM.

Ayoko naman ipamigay kung kani-kanino ang BB ko. Nasakin pa ang box at nasa 4K din ang presyo nito pag pinakawalan sa TipidCP.com. Yung BBM Pin ko ang mahalaga kaya mas mabuti kung sa kaibigan o kapamilya ko mapupunta ang telepono.

May tatlong buwan na rin naman sa akin ang phone kaya madali nang pakawalan.

BB 9220

Ang kaso lang, sa panahon ngayon na tag-ulan, parang mas maayos para sa akin ang mas maraming games. At makukuha ko lang ito sa Android.

Nag-upgrade si Pentells to iPhone7.5, sakin na niya ipinamana ang CM Flare. Dual SIM naman yun kaya magagamit ko yung dati niyang number hanggang sa wala nang mag-text doon at i-salpak ang aking beloved 0917KAMPEON na SIM Card.

Para naman hindi dalawang cellphone ang gamit ko.

CM Flare

So paano ba yan. Yung BBM Pin ko na 2A4B385F ay hindi na sa akin. Hindi ko alam kung bubuksan pa ni mommy yung BB Chat kaya hindi ko masasabi na magagamit pa ito.

Well, you can still reach me thru WeChat at Viber. Pwede rin sa Twitter @pepideleon para mas mabilis. I will always be online still.

Makapaghanap nga muna ng malulupit na Android Apps.