KnP No Longer Has Blackberry 9220

*sa mommy ko na siya.

Nothing against sa Blackberry. Kung ako papipiliin, mas gugustuhin ko ang QWERTY na may BBM.

Ayoko naman ipamigay kung kani-kanino ang BB ko. Nasakin pa ang box at nasa 4K din ang presyo nito pag pinakawalan sa TipidCP.com. Yung BBM Pin ko ang mahalaga kaya mas mabuti kung sa kaibigan o kapamilya ko mapupunta ang telepono.

May tatlong buwan na rin naman sa akin ang phone kaya madali nang pakawalan.

BB 9220

Ang kaso lang, sa panahon ngayon na tag-ulan, parang mas maayos para sa akin ang mas maraming games. At makukuha ko lang ito sa Android.

Nag-upgrade si Pentells to iPhone7.5, sakin na niya ipinamana ang CM Flare. Dual SIM naman yun kaya magagamit ko yung dati niyang number hanggang sa wala nang mag-text doon at i-salpak ang aking beloved 0917KAMPEON na SIM Card.

Para naman hindi dalawang cellphone ang gamit ko.

CM Flare

So paano ba yan. Yung BBM Pin ko na 2A4B385F ay hindi na sa akin. Hindi ko alam kung bubuksan pa ni mommy yung BB Chat kaya hindi ko masasabi na magagamit pa ito.

Well, you can still reach me thru WeChat at Viber. Pwede rin sa Twitter @pepideleon para mas mabilis. I will always be online still.

Makapaghanap nga muna ng malulupit na Android Apps.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *