Monthly Archives: July 2013

Yumi Ociman No Longer A Mocha Girl | Reveals BOYFRIEND thru FB

*disclaimer: hindi si KnP[01] ang boyfriend ni Yumi. Maghunusdili po tayo.

22 hours ago bago ma-post ang blog na ito, sa petsa na July 28, 2013, nag-announce ang Mocha Girls fan page na hindi na kasali si Yumi sa grupo.

Strikto kasi ang grupo sa pagkakaroon ng boyfriend. Bawal sa kanila yun. Kung sa tingin mo na madre lang ang pwedeng magkaroon ng celibacy at no boyfriend rule, nagkakamali ka. Ang pinaka-conservative na grupo ng Pink Sisters ay may pagkakahawig ng pilosopiya sa pinaka-wild na grupo na Mocha Girls pagdating sa pagkakaroon ng boyfriend.

Balik lima na ulit sila. Akala ko talaga magiging anim na ulit sila matapos bumalik ni Seika sa grupo noong July 9, 2013.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil “There is one less lonely girl”. Masaya ako na nakikita na maraming Mocha Girls at isa sa mga magagaling na dancer si Yumi. Nakakalungkot rin siguro ang feeling.

Pero siyempre, kapag may nawala, malaki ang chance na magkaroon ng kapalit. Dapat natin abangan kung plano din ng Mocha Girls management na kumuha ng isa pang babae para punuan ang pag-alis ni Yumi. Challenging ang role na ito. Ihanda na dapat ninyo ang mga videos at dance moves ninyo.

Well, sino nga ba ang boyfriend ni Mocha Girl Yumi at handa siyang iwanan ang Number1 All Girl dance group sa Filipinas? 

Yumi and BF

Yumi and BF

Kaya naman pala. Kahit kung ako ang Mocha Girl Manager, hindi ako papalag. YOU CAN’T SEE ME!

Movie | Warm Bodies

After R (a highly unusual zombie) saves Julie from an attack, the two form a relationship that sets in motion a sequence of events that might transform the entire lifeless world.
 

Pano mo nga ba maja-justify ang mga zombie? Ano ba ang difference nila sa ating mga tao?

Hindi ito yung typical zombie movie mo na pinipilit ng tao na maka-survive laban sa isang zombie infested na mundo. Hindi mga tao ang bida dito kundi si R, yung zombie na marunong umibig.

Actually, natuto lang siyang umibig nung kinain niya ang utak ng jowa ng bidang babae. Sorry mahina ako sa mga pangalan ng bida. Hindi kasi binanggit ng paulit-ulit yung pangalan ng bidang babae. Hindi naman kasi nagsasalita yung zombie.

Anyway, nagbigay ng solusyon ang movie na ito sa zombie cure. Patitibukin mo lang ang puso ng zombie at babalik na siya sa dati. Pero syempre, dapat, mas maigting ang nararamdaman niyang pag-ibig kesa sa craving niya sa laman at utak.

Kakaiba nga talaga ang hinain na solusyon nina Director Jonathan Levine at Writer Isaac Marion. Sa pag-ibig na na-experience ni Nicholas Hault (R) at Teresa Palmer (Julie), hindi na ako matatakot sa parating na zombie outbreak.

Hindi ako matatakot dahil patuloy akong umiibig. Patuloy na tumitibok ang aking puso. Yung mga hindi marunong umibig, mga zombie sila! Mga Boneys!

Eto Trailer:

 

Trivia: May tattoo ng mukha ng lalaki si Nicholas Hault sa kanyang kanang braso.

How I Met Your Mother – FINAL SEASON

At last! Final season na! (redundant yung statement, alam ko!)

Yung final episode nung season 8, pinakita na yung mukha ng mother. Di ko sure a, pero malaki ang possibility na yun nga ang mother. At hunch ko lang, yun ay long lost sister ni Lily. Magkamukha sila e.

Tsaka cousin Marvin ang tawag ni Ted dun sa anak nila Marshall at Lily pag kinukwento niya. Hindi naman sila brothers ni Marshall o siblings ni Lily.

Promise, lahat ng episodes ng HIMYM series, napanood ko na. If you engage me in a conversation about it, makakasabay ako ng kwentuhan sayo.

At nilabas na rin ang date ng season premiere; September 23, 2013. That is like less than a month ago. Marami talagang news na lumalabas sa comic con.

Eto ang video ng balita:

Enjoy!

RAGNAROK VALKYRIE Available In Iphone

*optimized in iPhone 5.

Nung una, hindi ako naniniwala. Akala ko, parang offline game lang ang nilalaro ni @pentells nung minsan akong naalimpungatan at nakita siyang hawak ang kanyang iPhone 5.

Nasa bayan siya nun ng Prontera. Katatapos lang ng kanyang tutorial sa laro at wala pa siyang mga gamit. Puro mga NPC ang mga kinakausap niya habang may mga naglalakad sa paligid niya. Sabi ko sa sarili ko, bot lang yung mga yun.

Tinuloy ko na lang ang tulog ko.

Ragnarok Valkyrie on iPhone and Android

Ragnarok Valkyrie on iPhone and Android

After about 5 hours, nagising na lang ako at nakatitig si pentells sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya. Ang susunod na lang na narinig kong sinabi niya ng pabulong, “First Job na Ako”.

Aba aba aba. Nakakatatlong kumpanya ka na na pinapasukan, ngayon mo lang mari-realize ang mga job na yan. ADIK!

Yun pala, Ragnarok Valkyrie ang nilalaro niya. At totoo ngang ang mga naglalaro gamit ang PC, nakaka-interact niya rin sa iPhone. Hindi ko alam kung ano ang magiging itsura ng siege at boss hunts kapag sa iPhone 5 ka naglaro. Siguro masaya yun!

Kaya ayan, kahit nasa Star City si Pentells ngayon, sigurado ako na maglalaro siya ng Ragnarok Valkyrie pag na-bore siya. Dala pa naman niya yung Power Bank na binili ko kay hipag.

Goodluck sa mga magda-download ng app. Sana makapaglaro kayo ng maayos. Mukha naman siyang maganda sa iPhone 5. Hindi ko lang alam kung ano ang itsura sa Android at iba pang IOS.

Parang gusto ko na rin tuloy ng iPhone 5.