RAGNAROK VALKYRIE Available In Iphone

*optimized in iPhone 5.

Nung una, hindi ako naniniwala. Akala ko, parang offline game lang ang nilalaro ni @pentells nung minsan akong naalimpungatan at nakita siyang hawak ang kanyang iPhone 5.

Nasa bayan siya nun ng Prontera. Katatapos lang ng kanyang tutorial sa laro at wala pa siyang mga gamit. Puro mga NPC ang mga kinakausap niya habang may mga naglalakad sa paligid niya. Sabi ko sa sarili ko, bot lang yung mga yun.

Tinuloy ko na lang ang tulog ko.

Ragnarok Valkyrie on iPhone and Android

Ragnarok Valkyrie on iPhone and Android

After about 5 hours, nagising na lang ako at nakatitig si pentells sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya. Ang susunod na lang na narinig kong sinabi niya ng pabulong, “First Job na Ako”.

Aba aba aba. Nakakatatlong kumpanya ka na na pinapasukan, ngayon mo lang mari-realize ang mga job na yan. ADIK!

Yun pala, Ragnarok Valkyrie ang nilalaro niya. At totoo ngang ang mga naglalaro gamit ang PC, nakaka-interact niya rin sa iPhone. Hindi ko alam kung ano ang magiging itsura ng siege at boss hunts kapag sa iPhone 5 ka naglaro. Siguro masaya yun!

Kaya ayan, kahit nasa Star City si Pentells ngayon, sigurado ako na maglalaro siya ng Ragnarok Valkyrie pag na-bore siya. Dala pa naman niya yung Power Bank na binili ko kay hipag.

Goodluck sa mga magda-download ng app. Sana makapaglaro kayo ng maayos. Mukha naman siyang maganda sa iPhone 5. Hindi ko lang alam kung ano ang itsura sa Android at iba pang IOS.

Parang gusto ko na rin tuloy ng iPhone 5.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *