Movie | Warm Bodies

After R (a highly unusual zombie) saves Julie from an attack, the two form a relationship that sets in motion a sequence of events that might transform the entire lifeless world.
 

Pano mo nga ba maja-justify ang mga zombie? Ano ba ang difference nila sa ating mga tao?

Hindi ito yung typical zombie movie mo na pinipilit ng tao na maka-survive laban sa isang zombie infested na mundo. Hindi mga tao ang bida dito kundi si R, yung zombie na marunong umibig.

Actually, natuto lang siyang umibig nung kinain niya ang utak ng jowa ng bidang babae. Sorry mahina ako sa mga pangalan ng bida. Hindi kasi binanggit ng paulit-ulit yung pangalan ng bidang babae. Hindi naman kasi nagsasalita yung zombie.

Anyway, nagbigay ng solusyon ang movie na ito sa zombie cure. Patitibukin mo lang ang puso ng zombie at babalik na siya sa dati. Pero syempre, dapat, mas maigting ang nararamdaman niyang pag-ibig kesa sa craving niya sa laman at utak.

Kakaiba nga talaga ang hinain na solusyon nina Director Jonathan Levine at Writer Isaac Marion. Sa pag-ibig na na-experience ni Nicholas Hault (R) at Teresa Palmer (Julie), hindi na ako matatakot sa parating na zombie outbreak.

Hindi ako matatakot dahil patuloy akong umiibig. Patuloy na tumitibok ang aking puso. Yung mga hindi marunong umibig, mga zombie sila! Mga Boneys!

Eto Trailer:

 

Trivia: May tattoo ng mukha ng lalaki si Nicholas Hault sa kanyang kanang braso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *