RakSaCebu 01 | From Manila To Cebu City

Total Cost: 400 pesos.

Seryoso to. Tignan mo ang rates ng flight namin sa TigerAir. Nakakuha kami ng zero fare promo with their website; http://www.tigerair.com/ph/en/.

Ito ang Cheap Flight to Cebu.

Cheap Flights to Cebu.

Sorry paulit-ulit para sa SEO purposes.

Cebu Tiger Air flight confirmation

Cebu Tiger Air flight confirmation

Tiger Air handcarry

Tiger Air handcarry

Good for 2 people na yan. Back and forth pa. So lumalabas, ang one way ticket ay kulang kulang 350 pesos.

Pag land mo sa Cebu International Airport, lakad ka papuntang Departure building (tatawid ka ng kalsada, wag kang matakot, walang sisita sayo), lalabas ka dun sa main gate nila at pupunta ka sa bandang kaliwa kung saan nag-aabang ang mga Multicab papuntang sa Pier.

You have 2 options; (1) bumaba sa SM Savemore at sumakay ulit ng jeep papuntang Cebu City or (2) bumaba sa Pier, sumakay ng ferry boat at sumakay ulit ng jeep. Since sobrang aga namin dumating ng Cebu, we opted to use option 2.

Metro Ferry

Metro Ferry

Actually, na-pwersa kami dahil hindi kami nakababa dun sa SM Savemore. Ang totoo lang, hindi namin nakita yung dapat babaan at nahihiya pa kami magtanong. Medyo nagtanong kami sa driver pero sinagot kami ng Bisaya kaya hindi namin naintindihan.

Jeep to Ferry Boat: 7.50 pesos.
Ferry Boat Fare: 14 pesos.
Terminal Fee: 1 peso.
Jeep to Cebu City (Sto. Nino Simbahan): 7.50 pesos.

In less than 400 pesos, pwede ka na mag-alay ng taimtim na dasal para sa Sto.Nino de Cebu. Pwede mo na makita yung Magellan’s cross. Pwede ka na rin mag-picture picture.

 

Magellan's Cross

Magellan’s Cross

Oo nga pala, backpacker ang peg namin kaya hindi kami nagbaggag sa eroplano. Kasya naman kasi ang mga gamit namin sa isang Hawk Gear na bag at isang bag na nabili sa Divisoria worth 300 pesos.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *