RakSaCebu 02 | Europa Mansionette Inn

First night namin.

Nakita ko lang yung sa Metro Deal. Hindi magaganda yung reviews pero binili ko na rin. As for me, ok naman ang naging stay namin dito.

Bukod sa mura at hindi mahirap hanapin kung mayroon kang Waze app sa iyong iPhone5. Kung wala naman, tandaan mo na lang na malapit siya sa CHINABANK. One ride away lang din dun Gaisano Central (mall na wala naman gaanong laman).

Ito yung deal, active pa siya:
http://www.metrodeal.com/deals/Metro_Manila/Europa-Mansionette-Inn/108838247

Price: 748 pesos.

What you get:

  • safety ng bags mo. relatively, mahirap siya puntahan kaya alam mong mga guests lang talaga ang kasama mo sa building. bawat sulok pa ng hotel ay may CCTV.
  • magandang bakuran at coy aquarium.
  • water by request.
  • cable TV.
  • hot and cold water. malakas ang tubig, promise.
  • gitna ng airport at ng city.

May ilang pointers lang ako para sa mga guests ng Europa Mansionette Inn;

Dapat, pag sumakay ka ng tricycle papunta dun sa may SM Savemore, tanungin mo muna ang driver kung magkano. Baka singilin ka ng Special Rate at magbayad ka ng 60 pesos gayong 8 pesos lang talaga dapat.

 

2nd floor lobby

2nd floor lobby

Bago ka dumating ng hotel, dapat magbaon ka na ng sarili mong tubig. Hindi ganun karami ang staff nila para mabilis kang maasikaso lalo pa’t tubig lang ang hihingin mo.

Walang restaurant na malapit. Tratuhin ang sarili na parang bed spacer.

Europa Mansionette Inn

Europa Mansionette Inn

Dalasan ang pagpicture. Sayang ang ganda ng lugar.

 

2nd Floor ulit

2nd Floor ulit

 

Medyo strict sila sa check in at check out time. Be on time. Wag ka mag-alala, pwede kang maki-CR kahit hindi pa kayo naka-check in.

 

sumi-selfie sa salamin

sumi-selfie sa salamin

Isa lang yung libreng electric socket ng room 18. Pwede magtanong sa front desk para makahiram ng extension cord.

Masarap ang breakfast. Pwede ipa-serve sa kwarto.

 

Tulog muna kami. Tanduay First 5 - Cebu experience is next

Tulog muna kami. Tanduay First 5 – Cebu experience is next

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *