Daily Archives: 2013-08-22

RakSaCebu 3 | HIGHLIGHT | Tanduay First Five Cebu

Kaya sinakto din namin ang pagpunta sa Cebu ng August 10-12 ay dahil sa Tanduay First Five. Anim kasi na artists ang kasama sa lineup this year. Actually lima lang pero parating kasali si Gloc-9 kaya nagmumukhang anim.

Yung bagong lugar sa Cebu, yung tinatawag nilang South Road Properties or SRP, dun ginanap ang event. relatively malayo siya mula sa City. Aabutin ng 100 pesos ang pamasahe sa Taxi kung galing ka sa Mactan Shrine. Madalang daw ang mga pumapasada na jeep papunta doon. Buti at naisipan nilang maglagay ng maraming bus papunta at paalis sa venue althroughout the event.

Tanduay First Five Tickets

Tanduay First Five Tickets

Like ka muna sa page nila bago tayo magpatuloy: https://www.facebook.com/SouthRoadProperties

Para makakuha ng tickets, nagpunta muna kami sa Chi Hing Grocery sa may Colon St para bumili ng dalawang Tanduay Light na long neck. Dun lang kasi kami makakakuha ng libreng tickets. Pinamigay na namin yung mga alak sa mga manong na nakasalamuha namin.

Chi Hing Grocery

Chi Hing Grocery

Backpackers ang style namin. Hobby din namin ang magtanong kaya natunton naman namin ang lugar kaagad.

Medyo antukin, hindi kami nakarating sa oras. Hindi namin naabutang tumugtog ang Spongecola at Wolfgang. Happy naman kami at tumutugtog na si Gloc9 pagdating namin.

Pentells with Spongecola

Pentells with Spongecola

Gloc 9 on stage

Gloc 9 on stage

Pinakanagustuhan ko yung performance ni Rico Blanco. May mga back up siya na nakapang-Sinulog, angkop na angkop sa Cebu. Fiesta pa yung atmosphere.

May mga nakainuman din kami sa labas ng venue. Konting shot lang naman. Hindi namin nakuha ang mga pangalan nila, sorry. Kung sino man kayo, paki-add na lang kami sa FB or follow ninyo kami sa Twitter (@pentells  and @pepideleon)

Enjoying Tanduay Light!

Enjoying Tanduay Light!

Yung performance ng Kamikazee, talagang malupit. At pinakanagustuhan ko naman na presence ay yung kay Chito Miranda Jr. Hindi pa naaalis sa isip ng tao yung scandal nila ni Neri pero walang nag boycott sa event. Yung suportya ng mga parokyano, nandun pa rin. SOLID.

Nakakaiyak pa rin kapag kinakanta nila ang mga songs ni Francis M. Nag Bagsakan nang wala si Kiko, kumanta si Gloc 9 ng Kaleidoscope World. Astig talaga.

Next year siguro, sasabayan ulit namin ang mga Pinoy artists sa pagbisita sa iba pang lupalop ng Pilipinas.

5 NOT SO OBVIOUS Reasons Why Megan Young Is Miss World Philippines 2013

Megan Lynne Young (born February 27, 1990) is a Filipino American actress, and Miss World Philippines 2013 beauty queen titleholder. Yan ang unang sentence na makikita mo sa Wikipedia. Kung gusto mo magbasa ng facts, sundan ang link na ito: CLICK HERE.

Wag na tayong obvious. Alam naman natin lahat na mas sikat talaga si @MeganBata kumpara sa ibang contestants ng Miss World Philippines ngayong taon. Para sa mga hindi nag-research, malamang yan lang ang alam nilang reasons kung bakit si Megan ang nanalo.

Cory Quirino, Miss World Philippines 2013 Megan Young, Miss World Philippines 2012 Queenierich Rehman and Gov ER Ejercito aka Asiong Salonga 

Pero ako, dahil iba ako mag-isip, at dahil na rin napanood ko ang replay sa YouTube, magbibigay ako ng 5 not so obvious reasons. Bahala na po kayo kung maga-agree kayo o hindi.

Eto na sila:

  1. Megan Lynne Young is persistent. Alam ba ninyo na nag-audition na sila sa Bb Pilipinas aiming to be Miss Universe pero hindi siya tinanggap dahil sa pag-cover niya sa magazine na Rogue? Hindi ito naging hadlang para sumuko siya. Dahil may pagka-kulit din si Megan, nag-apply pa rin siya as Miss World Philippines. Eto ang nasabing cover:

    Megan Young Rogue Cover

    Megan Young | Rogue Cover


  2. Megan Young is Lasalista. She is a Film student at De Lasalle College of Saint Benilde. Wala lang, gusto ko lang sabihin.
  3. Megan Young is not afraid. Galing na siya sa Starstruck at batchmate niya sina Ryza Cenon. Siya ang pinaka-unang Starstruck talent na lumipat sa ABS-CBN. Yung iba, takot lumipat siguro dahil nangangarap ng loyalty award, pero si Megan, dahil willing siya mag-take ng risks, nagawa niyang tumawid papuntang Mother Ignacia. Nasa TV5 na siya ngayon.
  4. Megan Young answered the Q&A portion perfectly. She used heart, which was profound yet deep. Parang nanood lang ako ng inception nung sinubukan kong isipin kung ano ang ibig niyang sabihin sa sagot niya. Na-appreciate naman ito ng audience kumpara sa sagot ng ibang contestants na nagtunog mababaw.
  5. Megan Young starts her tasks early. Dahil hindi makauwi sa bahay nila, dumiretso si Megan sa Philippine Red Cross HQ sa QC para tumulong sa relief operations. Kung gusto mo siya makita, punta ka na dun!

She has the best chance to win Miss World in Indonesia on September 28, 2013. Tagilid lang tayo dahil walang swimsuit competition this year kung saan one of the best assets ni Megan ang kanyang long legs at beautiful curvers.

Ang mga dati nang nagrepresent na celebrity sa Miss World ay si Ruffa Gutierrez noong 1993.