Monthly Archives: September 2013

Pagpapalit Ng Oras Sa Trabaho | Sakit Ng Ulo

Call Center. Shift Bid.

First week ko sa schedule na 10pm-7am Sat-Sun. Kung tutuusin, anak ng Diyos ang schedule pag sa call center ka nagta-trabaho. Masarap ang weekends off. Pwede kang makasama sa mga gigs ng mga normal mong mga kaibigan kapag weekends. Hindi ka naman parating magastos dahil hindi ka nakakasama sa weekday getaways na alam naman nating lahat na umuubos talaga ng budget mo. Focus ka sa trabaho sa loob ng limang araw, at may oras ka magliwaliw kapag Sabado o Linggo.

Pangatlo ako sa shift bid namin. Pinili ko ang schedule na ito thinking na magkakaroon ako ng oras bago pumasok para sa mga extra curricular activities. May mga events, movie screenings, theatre plays, product launches, at running clinics sa umaga hanggang sa 8pm at gusto kong maka-attend sa mga ito.

Masaya din naman ako sa mga agents na napabilang sa team ko na #PepisCola. Dahil nga sought after ang sat-sun restdays, magagaling at dedicated ang mga agents na napapunta sa akin.

Kaso eto ang problema, schedule ng pagtulog.

Sa oras ko kasi dati na 8pm-5am, nakakarating ako ng bahay ng mga 6am. Hindi pa ako ganun ka-pagod kaya pwede pa ako maglaro ng LoL o Starcraft. Uubusin ko ang lakas ng katawan ko. 10am na ako makakatulog at isang pasada na yun hanggang 4pm-6pm. Sakto na ang tulog na ganun at hindi masakit ang ulot sa pagpasok.

E sa ngayon, pagdating ko sa bahay ng 8am, pagod na ang katawan ko. Diretso na sa kama. For an unknown reason, magigising ako ng 1pm at hindi na makakatulog pa. Pipilitin ko na lang na makapikit at maa-accomplish ko to pagdating ng mga 6pm.

Bukod sa hindi mabuti sa katawan ang putol na tulog, hindi ko pa nagawan ng paraan ang extra curriculars ko. Badtrip di ba?

Ang naiisip ko na lang na gawin ay mai-schedule ang paggising ng mga 4pm-6pm. Ano kayang magandang paraan?

#callcenterproblems.

Musical Na Po! | Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros

Maxie The Musical:

Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros.

Maxie The Musical

Maxie The Musical

Hindi ako anti-LGBT. Kung saan may higit na pag-ibig, doon ako! At natuwa ako noong unang beses kong napanood yung movie. It was groundbreaking and phenomenal.

At ngayon pang natututunan ko nang ma-appreciate ang stage plays, masaya ako sa balita na tatakbo na ang Maxie The Musical from NOVEMBER 9 – DECEMBER 8, 2013 sa PETA Theater Center, New Manila, Quzeon City.

Book and Lyrics by Nicolas B Pichay.
Music by William Elvin Manzano, JJ Pimpinio, and Janine Santos.
Direction and Choreography by Dexter M Santos.

It will be a rock Musical. Yung mga tugtog na maririnig mo sa barrio nina Maxie, ipinasok nilang lahat sa isang show. Excited na ako sa kantahan na backed up ng electric guitars at full set na drums!

Naaalala ba ninyo yung isang contestant sa isang noontime show? Siya yung gaganap na Maxie. Magaling na bata. Baklang-bakla! Eto ang preview (salamat sa TheStageDoorCanteen):

For details, pakitingin ang poster: