Daily Archives: 2013-12-13

Immortalizing My Blog Header

Blog header, yan ang unang-una na makikita sa blog mo. Dapat, dyan pa lang, alam na ng reader mo kung saan patungkol ang blog mo. Wag kang maglalagay ng tao na nakahubad dyan kung tungkol sa pagdarasal ang blog mo, unless na lang kung ang taong nakahubad ay nakapako sa krus.

Ito ang una kong blog header; ginawa ni Tim nun minsan na kinulit ko siya sa trabaho. Isa siyang magaling na design artist. Binigyan ko lang siya ng isang folder ng pictures and within 30 minutes, na-cut na niya ang mga kailangan niya at ginawa na niya ang header na may specifications na 1000 x 300 pixels.

May picture na cropped sa Baguio, may image nun sakristan pa ako sa LaSalle, may family prusisyon, may pseudo-passport, jeepney, Boracay na background, Tagaytay statue na inakyatan, binilog na bandila ng Pilipinas, mapa ng bansa na kulay green at MANILA map na nasa likuran.

Astig si Tim Dia, kung mako-kontak ko lang ulit siya, magpapagawa ako ng isa pang header. Ang kaso, sa bago kong blog theme, hindi ko alam kung makakapaglagay pa rin ako ng magandang header.

Sana makakita ako.

Eto ang itsura ng header ng blog ko, niliitan ko lang.:

JP Banner

JP Banner

Hanggang sa susunod mga kapatid.

KnP Season 3

Nabibilang ang season ng blog life ko, naka-depende ito sa kung anong season na ang Memory Miyerkules.

Bago pa nauso ang Throwback Thursday at Flashback Friday, ginagamit ko na ang Memory Miyerkules para maisulat ang kwento ng kabataan ko. Focus ang Memory Miyerkules sa buhay pre-school, elementary, at high school. Ngayong pagpasok ng season 3, plano ko na gamitin ang Memory Miyerkules para sa mga alaala ng college at early 20s.

Hindi mapagkakaila na late 20s na ako at marami na akong alaala na dapat maisulat.

Marahil, marami na ang nag-aabang sa season 3. Kahit ako, hindi ko alam ang schedule at mga focus ng mga isusulat ko. Kagaya ng dati, naka-depende ang topic sa kung ano ang meron ako ngayon.

Isa lang ang maipapangako ko, mas magiging order gabapentin online BOLD na ang mga paghahayag.

Isa pa pala, papalitan ko na yung WordPress Theme ko na Atahualpa at maghahanap ako ng mas simple at mas mabilis na mag-load. Wala kasi talaga sa design yan, kundi sa laman.

Sana patuloy kayong tumangkilik.