May tatlong buwan na rin kaming naninirahan sa Cainta. Hindi madali ang bumukod at makisama sa isang hindi mo naman talaga kaanu-ano. Nagiging madali lang ito dahil marunong kaming mag-usap at may respeto kami sa isa’t isa.
Paano nga ba natin hahatiin ang chores sa bahay? Trial and error din kasi ang sagot dyan. At syempre, likes and dislikes.
Kaya eto, uunahin natin ang likes and dislikes ng bawat isa. Kaunti lang, para hindi masyadong mabigat.
Promking | Pentells | |
Favorite Color | Green | Red |
On Travel | Wala kang mararating pag mabagal ka. | Hindi mo mae-enjoy pag masyado kang mabilis. |
Number of Footwear sa House | 7 pairs | 19 pairs |
Ngayong alam na ninyo ang likes and dislikes, mas madali na maghati ng chores.
Promking | Pentells |
Hugas plato. | Luto |
Magpa laundry ng damit | |
Pick up ng tubig |
At syempre, eto ang hatian na sigurado akong makaka-relate ang may mga housemate dyan. Pantay na hatian para sa ikasisiya ng lahat.
Promking | Pentells |
Water – 200 | Rent – 3400 |
Electricity – 700 | |
Internet – 1800 | |
Cable TV – 500 | |
Laundy – 200 |
Hati na! Hating kapatid!