Simbang Gabi 2013

Start na ng Simbang Gabi aka Misa de Gallo. Pag present ka raw sa lahat ng 9 na araw, matutupad daw ang kahilingan mo.

Wish kong manalo sa Lotto, pag umattend ako ng siyam na simbang gabi, milyonaryo na ako. Babalatuhan ko ang lahat ng magko-comment sa blog ko.

Simbang Gabi

Photo from Cool Pilipinas Tumblr

8pm ang simbang gabi sa Sacred Heart Parish Makati. 9pm naman ang sa parokya dito sa Cainta. Sa oras ko na 10pm-7am, malabong maka-attend ako sa lahat ng simbang gabi. Lalo pang magiging mahirap kapag nagsunud-sunod na ang Christmas gatherings at out of town trips.

Effort talaga ang pagkumpleto sa simbang gabi. Dati, noong high school / college ako, madali lang yun para sa akin dahil din wala nang pasok sa eskwela at ang mga party ay ginagawa sa tanghali. Ngayon, pagabihan na.

Good luck sa mga may pangarap makakumpleto ng mga misa. Ipagdasal niyo na lang po ako.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *