Memory Miyerkules S3: May Lakad Ako

Pasko sa Baguio ang peg ng Sangalang clan noong 2007. Ugali na kasi namin na mag out of town as a clan kapag Pasko. Siguro dahil sa dami ng mga inaanak ng mga tita ko kaya ganun na lang ang pagtakbo nila. Dinadamay pa kaming mga anak.

Well, ayos lang. 17 din kasi kaming magpipinsan. Di hamak na mas maliit na numero yun kumpara sa dose-dosenang mga inaanak.

Eto na nga, may inarkilang bus na. May bahay na rin kung saan kasya ang lahat. May set ng menu, may inorder na litson, may itinerary, may palaro, at may mga naka-toka na rin para sa papremyo. Yung isandaang piso na exchange gift ay naikalat na rin ang mechanics.

Pero ako, hindi ako sumama. Hindi dahil sa ayaw ko o ano, hindi rin dahil sa wala akong pera pang exchange gift. Hindi rin dahil may kagalit ako sa angkan.

Hindi ako sumama dahil yun ang unang Pasko na nasa call center ako. Naka-book na ako para mag shift ng 30% at double pay. Hindi ko ugali na mag-cancel sa mga events ko.

Yun din yung panahon na sinasanay ko ang sarili ko na mawala sa piling ng mga kamag-anak. Kasi, plano ko noon pumasok bilang Religious sa Lasalle Brothers. Sabi ko sa sarili ko, ihahanda ko ang sarili ko at disposisyon para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya. Bagay na hindi naman natuloy dahil may plano pala Siyang iba para sa akin.

Kaya ngayon pa lang, pasensya na sa mga lakad na hindi ko makuhang puntahan dahil naka-book na ako sa iba. I will be there in spirit na lang.

Merry Christmas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *