Daily Archives: 2013-12-20

Movie Review: Mga Anino Ng Kahapon

Salamat sa imbitasyon ni @thestyleandsoul at napanood ko ang MMFF entry for New Wave 2013. Hindi ko inaasahan na ganun ka-diretso ang movie.

mga anino ng kahapon

mga anino ng kahapon

Masasabi ko na SIMPLE lang ang movie. It’s simplicity is perfection. Sabi nga nila, ang compound elements ng isang ion ay sumisira sa pagka-perfect nito. Well, ako lang pala ang nagsabi noon.

A Small Movie with a BIG Meaning.

Tanggalin natin ang showbiz. Tanggalin ang patayan, ang chismis, ang pagkakaron ng kabit, ang aksidente, lovelife na magulo, at mag-focus tayo sa iisang tema; ang pagtalakay sa issue ng Schizophrenia.

Bago ang movie, ang kilala ko lang na Schizophrenia ay sina Juan Lazy at Harlem.

Magagaling na lead aktor at aktres na sina TJ Trinidad at Agot Isidro, magaling na suporting staff, magandang anggulo ng kamera at makulit na karakter, samahan mo pa ng isang NO BULLSHIT direktor na si Alvin Yapan; yan ang sangkap ng R-13 movie na ito.

Salamat sa inyo at mas naiintindihan ko na ngayon ang Schizophrenia at kung paano tanggapin ang karamdaman na ito. I would love encourage everyone; schools, concerned organizations, medical personnel, lahat ng gustong makaunawa na manood ng movie na ito.

Isandaan lang naman.

FAVORITE LINE: |
“Buti pa sa hallucinations ni ate, may girlfriend ako na si Cathy. Wala akong kilala na Cathy. Gusto kong makilala si Cathy.”

Mocha Sandwich with Rich KAMPEON Filling

Naka-date ko na rin ang Mocha Girls. Nag leave ako last Tuesday sa work para makapunta sa Off The Grill QC at maka Meet and Greet si Mocha Uson at ang kanyang Mocha Girls.

Mocha Girls with RJ Ledesma

Mocha Girls with RJ Ledesma

Launch kasi ng UNO Magazine December 2013 issue; The MOCHA GIRLS Special. 100 pages na nonthing but Mocha Girls, mostly in their birthday suits. Magsasawa ka sa kaseksihan ng grupo for just 190 pesos.

Kung wala kang maisip na regalo sa boss mo na manyakis, bigyan mo neto.

Si Mocha Uson ang Ring Leader ng grupo. Siya na lang ang natitirang miyembro mula nang mabuo ito years ago. Sabi niya, this lineup today is the best line up of Mocha Girls.

Mocha Uson is the leader of the group

Mocha Uson is the leader of the group

Si George naman ang elegante/fashionista ng grupo. She has this killer pout na nakakainlove. Wag kang lalapit sa lips niya at baka matuhog ka.

mochagirl george

mochagirl george

Si Seika ang JPOP chick ng MG. She has built her self confidence in the 2 day shoot / bonding ng UNO Magazine. Ito ang una niyang pag-pose sa isang Mens’ Magazine.

mochagirl seika

mochagirl seika

Si Franz ang paborito kong Mocha Girl. Siya ang rapper/comedienne. Para sa akin, siya ang pinakamagaling gumiling sa kanilang lahat.

mochagirl seika and franz

mochagirl seika and franz

Si Jhane naman ang rocker chic nila. As far as I know, siya ang pinakabagong miyembro. On training pa rin siya at hindi pa siya isinasalang madalas sa mga gig. Kung mapapansin mo, lima lang ang umaakyat sa stage.

mochagirl jhane and mae

mochagirl jhane and mae

Si Mae ang pinaka-sweet sa lahat ng Mocha Girls. Siya ang choreographer. Kung usapang katawan, siya ang may pinakamagandang abs sa kanilang lahat. I was so honored to have taken a pic with her.

mochagirl mae

mochagirl mae

Maiksing kwentuhan, tawanan, picture-picture; a night to remember. Kung gusto mo ma-experience ito, pwede kang bumisita sa FB Page ng Mocha Girls at abangan sila sa susunod nilang gig.

Maraming salamat UNO Magazine!

*Salamat kay Mac Vasquez ng http://atibapangmgapangyayari.blogspot.com/ para sa mga pics.