Mga Bawal sa NEW YEAR

Nakakagulat na pinagbawalan ako ng team na magpadala ng manok sa aming Team Media Noche. Magiging isang kahig isang tuka ka raw sa buong taon. Parang ngayon ko lang narinig yun.

Sabi nga ni Chino, PAGANONG PANINIWALA.

Research research din pag may time. Gamit ang kapangyarihan ng internet, hinanap ko ang mga bawal ngayong New Year. Para na rin maiwasan ang malas at manalo naman ako sa Lotto ngayon taon.

chicken chopped

chicken chopped

MGA BAWAL SA NEW YEAR

  1. Manok. Magiging isang kahig isang tuka raw kayo kapag naghanda kayo ng manok sa Medya Noche. Kung maghahanda man ng manok, dapat daw ay buo, naroon pa dapat ang adidas kasama na ang ulo at ang tuka.
  2. Negative Thoughts. Bad vibes daw kasi yun lalo na yung mga negative thoughts ng nakaraang taon. Dapat ay mas mag-focus sa mga plano para sa susunod na taon.
  3. Haircut. Bawal daw gupitin ang buhok sa unang araw ng taon. Para mo na rin ginupit ang swerte mo na dapat sana ay dala mo ng isang buong taon.

Yan lang ang nakalap ko. Puro kasi mga DAPAT na ihanda at DAPAT na gawin sa Bagong Taon ang nakikita ko.

Kung susumahin, mas marami talagang positive vibes ang umiikot kapag new year. Nawalan ng kwenta ang paghanap ko sa internet at nasayang lang ang 20 minutes ko. Hanap na lang kayo ng mga dapat ninyong gawin sa bagong taon.

Maliligo na ako, BAWAL MA-LATE sa trabaho sa New Year e.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *