Monthly Archives: January 2014

Memory Miyerkules: Matigas na Higaan

Kelan ka huling nagwiwi sa kama?

Ako, by default, 2 times a year ako kung magwiwi sa kama. Na-break lang siguro last year dahil isang beses lang. Kapag nangyayari yun, tinatanggal ko ang sapin at ang kutson at ibinibilad ko sila sa bubong.

At dahil kulang pa ang tulog ko, natutulog ako na walang kutson, hence, matigas na higaan.

Ang pinakanaalala ko ay ang panaginip ko kapag napapawiwi ako sa kama. Usually, may scenario sa panaginip ko that involves water. Minsan, tubero ako na nag-aayos ng gripo sa banyo namin. Masisira ang gripo at mababasa ako. Magigising na lang ako na basa na nga ako.

Meron naman scenario sa panaginip ko na sinusubukan ko ang mga toilet seats sa isang mall. Umuupo ako, tine-test ko ang height at circumference ng mga toilet. At nagwiwiwi ako sa bawat isa sa kanila. Alam mo yung feeling mo ang panaginip ay totoo? Dalawang beses sa isang taon, ganoon ang feeling ko. Sa parehong pagkakataon, nagwiwiwi ako sa kama.

27 years old na po ako. This is a confession.

Tapos Na Tayo

Isa sa mga trabaho na tinanggap ko bilang bisor ay ang pagtanggal ng tao.

 

Kapag ilang beses na ring nakasakit sa kumpanya ang tao mo. Kapag may mga ginagawa siya na hindi na nakakatulong. Kapag pinalampas mo ang mga kapalpakan niya dati pero inulit niya pa ulit. Kapag totally wala siyang naitutulong sa inyong kumpanya. Yan ay ilan lamang sa mga dahilan para i-consider mo na pwede mo na siya i-let go.

Parang pakikipag-break din pala ang pagtanggal ng tao. Gagawin mo ang lahat para hindi na siya umalis. Kung kailangan mong mag-adjust o makipag-compromise, gagawin mo. Kapag napamahal na siya sa inyo, ipagtatanggol mo.

Pero hindi iyon ang nangyari. Tinanggal na ng kumpanya namin ang top seller ko. Oo nga at maganda ang performance niya, pero dun kasi sa dahilan na hindi siya nagpapa-pasok, wala na ko magagawa doon.

Ngayon, nabawasan na naman ako ng isa sa pinakagagaling. Nakakalungkot at nakapanghihinayang.

Pero naman, ito na ang chance para sa iba niyang teammate na mag step up. Yung naiwan niya na butas para punuan e medyo malaki. Sino kaya sa current DR list ko ang papalit sa pagiging Number 1 ni Lady?

Memory Miyerkules – First College Summer

Nag-college ako sa DLSU-Manila. Interdisciplinary Business Studies. Walang major. Bahala ka sa path na kukunin mo, basta matuto ka, ayos na.

Pagkatapos ng first year ko sa college (salamat naman at wala akong binagsak na subject), minabuti ko na maghanap ng part time na trabaho. Yung tipong kikita ako ng pera ko. Yung masasabi ko na akin. Gusto ko kasing lumalabas ng bahay paminsan-minsan. Dahil na rin walang allowance kapag summer, sariling sikap ang gagawin mo.

Buti at naghahanap ng Account Consultant ang De La Salle Alumni Association. Ang primary na trabaho, iangat ang telepono at tumawag sa mga establishments in and out of Metro Manila para makipag-partner sa Alumni Card ng DLSAA. Kapag may alumni card ang mga customer nila, bibigyan nila ng discount or special deals.

Ang kapalit, makakasali sila sa catalog ng DLSAA na nakukuha ng mga miyembro. Alam mo naman ang connections ng DLSAA, talagang malawak..

Kumikita ako ng pinakamalaki noon na 5,500 in 2 weeks. Sapat na para makaipon at may maipanggastos sa araw-araw. Doon ako unang nakabili ng sarili kong celphone. Bagay na inaasam-asam ko simula pa noong second year high school ako.

Simple lang naman din kasi ang formula para makapag-explore ka ng mga bagay na di mo akalain na kaya mo. Ang unang step dito ay ang PAGBITAW. Oo, kailangan mong bumitiw sa kung anuman yang pinagkakaabalahan mo. Kailangang magbigay ka ng oras.

Kung kailangang makipagbreak ka sa syota mong ubos-oras, gawin mo!
Kung kailangang mag drop out ka sa school, why not?
Kung kailangang magresign ka sa trabaho, do it now!

Gawin mo! Wag ka nang matakot sumugal, dahil walang nananalo sa Lotto na hindi tumataya.

Balik Sta Mesa

Breaking News. Balik Sta Mesa na po ako.

Tama, hindi na po ako taga Cainta kahit may bills pa rin ako na binabayaran dun. Dito na muna ulit ako sa Sta Mesa. Mas convenient para sa akin. Mas convenient para sa lahat.

Alas siyete ng umaga ang out ko sa trabaho. By 8am, nasa bahay na ako at nakakain na ng breakfas mag-isa. Take note ha, mag-isa akong kakain sa umaga. Wala kasi ang mga tao dahil either nasa labas pa from work o di kaya naman, naghatid ng bata sa eskwelahan.

So diretso paantok. Nood ng mga video clips sa youtube at makikibalita sa mga blogs. Kapag naisipan, magsusulat na rin. Makakatulog ako ng mga 10am-11am. Pwede na yun.

Ang gising ko, 6:20pm. Sampung minuto bago mag-alarm ang celphone ko. Pero hindi pa muna ako babangon. Mag-uubos ako ng oras sapaglalaro ng Coin Dozer (10mins), Level 418 na Candy Crush (25 mins), at Level 57 na Zombie Tsunami (12mins). 7 something ng gabi bago ako mag-dinner. Magko-computer ulit pagkatapos. Magri-ready sa pagpasok sa trabaho ng 8pm at magta-time in para makipagkulitan sa mga Direct Reports pagdating ng 10pm.

Masarap ba ang buhay? Oo.
Masaya ba? Hindi ako sure.

I deserve better.