Dahil first anniversary namin, nag trek kami. Ang napili namin na puntahan; Mt. Pinatubo c/o Travel Factor. Tutal, travel coordinator naman ako doon.
Kasama ng ilang officemates, matapos ang ilang swaps at pakiusapan na undertime, natuloy din kami kahapon; January 4, 2014. Nakakatuwang isipin na kapag gusto mo, gagawan mo ng paraan. Kahit na may mag back out, kahit na alam mong mahihirapan at mapapagod ka, kahit na magkaroon ka pa ng imposibleng schedule sa trabaho o maging kabawasan pa ng stats mo sa work, gagawin mo pa rin.
Ganyan ata talaga pag love mo ang isang bagay.
6 KMs in 2 hours.
times 2.
Oo, panget na stat yan pag takbuhan ang pinag-uusapan, pero trekking ito. Ito yung pagbabaybay mo sa dinaanan ng lahar. Ito yung pumatay sa libu-libong katao noong early 90’s. Nandito ka para paghigantihan ang bundok.
Maaaring pumunta ka dito para dalhin ang lahat ng sama ng loob mo noong 2013 para iwanan sa bulkan ang mga masasamang pangyayari. Maaari din na gusto mong maka-bonding ang mga kaibigan mo gamit ang isang napakasimpleng adventure. Maaari din na gusto mo lang i-celebrate ang isang napakagandang relationship na meron ka kaya nagpunta kayo dito; parang kami ni Pentells.
Dami ko pa sinasabi. Eto na nga ang pictures. (c/o Lizcapades.com and Michael Sun).
Time Schedule
2:30 Am – Meet up El Pueblo
3:00 – Departure to Capas, Tarlac
6:00 – Arrival Pinatubo Parking / 4×4
9:00 – Arrival Trail Area
11:00 – Pinatubo Crater
1:00 – Departure
2:45 – Arrived 4×4 Parking
4:30 – Pinatubo Parking, Shower
5:00 – Capas Shrine
8:30 – Arrived Manila
Schedule of fees:
Travel Factor – P2,450
IPS Tarlac Fee – P150
Entrance to Capas Shrine – P10
Barbeque / Tenga – P10-12 each
Softdrinks – P10
Gatorade/Water (Tarlac Local) – P100 each.