Travel Essentials for your Planned Getaway

Here is where you can find them: Lazada Philippines
 

Kung matagal ka nang sumusunod at nagbabasa sa blog na to, malalaman mo na mahilig akong mag-travel. Kami ni Pentells, actually. We travel together. Nakapunta na kami sa mga zoo, sa beach, sa bundok, at kung saan-saan pa.

Bago kami maglakwatsa, sinisigurado ko na dala namin ang mga kailangan naming dalhin. Swimming gear kapag pupunta ng swimming pool/beach, sunblock kapag magbibilad sa araw, kumot/jacket kapag may long drive at magtatagal sa bus, mga ganoong bagay. Ok lang na medyo marami ang dala mong gamit kesa naman hindi mo ma-enjoy ang vacation mo dahil lang may nalimutan ka.

My Top 3 MOST Important Travel Essentials.
(wow, important na – essential pa)

 

1. Most Beloved Gadget – Smart Phone.

Cherry Mobile Flare ang phone ko ngayon. Kasama ng aking power bank, ilang bundok na rin ang naakyat namin. Ilang beach na rin ang pinagtambayan namin. Kung mga simpleng FB status na “I am here at the beach” lang, kayang kaya yan gawin ng aking CM Flare.

Kung may option lang din ako, at reregaluhan mo ako dahil malapit na ang Valentine’s Day, pwede na sa akin ang Lenovo K900 (click the link to see the item). Sulit na para sa akin ang 20k para sa 2500mAh na battery. Pinaka-ayaw ko kasi yung mawawalan ka ng battery ng celphone sa gitna ng karagatan kung kelan darating ang mga dolphin at kukumusta sa bangka ninyo na may Wi-Fi.

2. Travel Worthy Camera.

Hindi basta-bastang camera ang dapat na dinadala mo. Oo may camera ang phone mo at may installed siya na camera360 pero iba pa rin ang underwater camera para sa mga underwater escapades mo. Iba pa rin ang shockproof camera pag nagbibisikleta ka na sa Nuvali o nagti-tripping sa town of Baler.

Maraming cameras na pwede mong makita sa site nila. Hanapin mo yung search bar at gamitin mo ang search term na CAMERA.

3. Identity.

At syempre pa, hindi mawawala ang attitude. Dapat magdala ka ng statement shirt pag nasa kalsada ka na ng Vigan o nasa harap ng Ferris Wheel ng Tagaytay. Dapat kitang kita ng mga tao kung sino ang naka-pose sa crater ng Pinatubo o sa Manila overlooking sa Antipolo. Dapat alam nila na ikaw ang nagpapa-picture sa Lions Head sa Baguio o sa wake park sa Cam Sur. Kasama ka dapat parati sa litrato at hindi buhangin lang ng Calaguas o Boracay ang kinukuhanan ng moment.

Antabayanan na lang ninyo sa FB ko kung saang trip ako nagpupupunta. Tina-tag naman nila ako sa mga pictures nila e.

0 responses to “Travel Essentials for your Planned Getaway

  1. Pingback: Pepi De Leon - Official Lazada PH Blog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *