Pinay Wins X Factor Israel

Pangalan niya ay Rose “Osang” Fostanes. Isang OFW. Mataba siya. Hindi rin maganda ang diction niya at hindi siya ganoon ka-bihasa sa Ingles.

#KapwaKampeon

Sabihin na natin na underdog nga siya sa paligsahan na ito. Unang tingin, di mo lubos maisip kung paano siya mananalo sa competition. Sabi nga niya, “I have a very small confidence”. Hindi siya naniniwala kapag sinasabihan siya na magaling siya.

Pero magaling siya.

Yung ka-seksihan niya, lumalabas sa kanyang pag-kanta. Iba ang confidence niya pag humawak na ng mikropono. Iba ang boses na lumalabas sa kanyang lungs at diaphragm (spell check please). Iba ang kumpiyansa at aura na ibinabahagi ng kanyang performance.

X-Factor ang tawag dun.

Kung sa unang tingin, hindi kayo makapaniwala, subukan ninyong panoorin ang tatlong video na ito.

1) Rose Osang Fontanes audition.

2) Rose Fontanes BEST Performance.

3) Rose Fontanes winning piece.

 

Maybe it’s not too late for me to have a good life!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *