Daily Archives: 2014-02-10

Valentines 2014 Tip Number 2 – Late Date

Kapag na late ang ka-date mo at no choice na kayo dahil booked na lahat ng restaurant at mga hotel, uwi na lang kayo sa bahay ninyo.

I suggest na manood kayo ng World Professional Billiard League games. Proceeds from the pay-perview match as well as the entire WPBL playoffs will benefit those affected by Typhoon Haiyan.

World Pool and Billiards League

The charity PPV match will be featured live on the WPBL website for $9.99 or $29.99 for 10days/11matches. Kasama na dito ang championship at ALL Star games.

Maraming pinoy ang kasali, kasama na sina Dennis Orcollo at Carlo Biado. Andyan din si Warren Kiamco.

Sa ngayon kasi, hindi na sikat ang paglalaro ng billiards at pool. Kagaya ko, mas gugustuhin ko na nasa bahay na lang na naglalaro ng League of Legends. Panahon na siguro para magkaroon ulit tayo ng mga manlalaro na nagka-kampeon sa international scene. Yung mga kagaya nila Django Bustamante at Efren Bata Reyes.

Kung gusto ninyo makasali sa WPBL (World Professional Billiard League), simulan na ninyo mag-practice at magpapansin sa mga teams na kasali dito.

Valentines 2014 Tip Number 1 – Something Sweet

Para sa mga nanliligaw pa lang, o yung mga nag-iisip ng pansalubong sa minamahal ngayong Valentines month, I suggest something sweet. Samahan mo na rin ng something thoughtful.

 

Romes Patisserie

Romes Patisserie salamat kay Ruel Umali para sa pic.

Naka-discover ako ng isang mahusay na pastry shop. Sa may University Mall katabi ng Lasalle, doon makikita ang shop ni Rome Miranda; ang Rome’s Patisserie. Ang specialty niya, Revel Bar.

Revel Bar – 2 layers of oatmeal cookie dough filled with a rich chocolate walnut fudge in the center. Pwedeng 8 slices (100 pesos), 16 slices (170), or 32 slices (320).

Alam mo yung bawat kagat mo sa pagkain, napapahinto ka. Parang nai-inlove ka ng paulit-ulit. Minsan makakalimutan mo yung pangalan mo. Pagkatapos mo nguyain at lunukin, kakagat ka ulit. Paulit-ulit mong lalasapin ang sarap. At pag naubos na, hahanap-hanapin mo pa.

Hindi pag-ibig ang pinag-uusapan natin dito kundi ang Revel Bar.

Meron ding cream cheese brownies, walnut brownies, food for the gods, at ang ORIGINAL BROOKIES.

Kung traditional ka naman, pwede na ang cupcakes. Kung may budget; meron ding Blueberry Cheesecake at Red Velvet Cheesecake.

2nd Floor University Mall
Vito Cruz, Taft Avenue, Manila
0906-410 3969
romulus.miranda@yahoo.com