Valentines 2014 Tip Number 1 – Something Sweet

Para sa mga nanliligaw pa lang, o yung mga nag-iisip ng pansalubong sa minamahal ngayong Valentines month, I suggest something sweet. Samahan mo na rin ng something thoughtful.

 

Romes Patisserie

Romes Patisserie salamat kay Ruel Umali para sa pic.

Naka-discover ako ng isang mahusay na pastry shop. Sa may University Mall katabi ng Lasalle, doon makikita ang shop ni Rome Miranda; ang Rome’s Patisserie. Ang specialty niya, Revel Bar.

Revel Bar – 2 layers of oatmeal cookie dough filled with a rich chocolate walnut fudge in the center. Pwedeng 8 slices (100 pesos), 16 slices (170), or 32 slices (320).

Alam mo yung bawat kagat mo sa pagkain, napapahinto ka. Parang nai-inlove ka ng paulit-ulit. Minsan makakalimutan mo yung pangalan mo. Pagkatapos mo nguyain at lunukin, kakagat ka ulit. Paulit-ulit mong lalasapin ang sarap. At pag naubos na, hahanap-hanapin mo pa.

Hindi pag-ibig ang pinag-uusapan natin dito kundi ang Revel Bar.

Meron ding cream cheese brownies, walnut brownies, food for the gods, at ang ORIGINAL BROOKIES.

Kung traditional ka naman, pwede na ang cupcakes. Kung may budget; meron ding Blueberry Cheesecake at Red Velvet Cheesecake.

2nd Floor University Mall
Vito Cruz, Taft Avenue, Manila
0906-410 3969
romulus.miranda@yahoo.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *